Spoken Words

Kapag sinabi kong 'mahal kita,' ang ibig kong sabihin napapagod din ako, nanglalambot ang aking mga tuhod, nangangawit ang aking mga braso.


Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw at patatawarin kita sa hindi mo pagkapit
Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita sa hindi mo paglapit
Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo pagsugal
Patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo at patatawarin kita sa hindi mo saken pagmamahal, mahal
gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako
para sa wakas ay matapos ko na itong tula na masyado ng matagal na nakatira dito at patawad kung magiging masyadong mahaba at marami masyadong bulanas
pero pangako huli na to, huli na to, huli na to...


10. Andyan ang wakas
At sa wakas,
Mahalin mo pa siya,
Sa tingin,
Sa tanaw,
Mula sa abo na iniwan ng dati nyong apoy, mahalin mo pa siya,
Pero kapag ang pakpak ng dati mong pag-ibig,
Ay naging gapos na,
Kapag ang langit na minsan mong nilipad ay naging kulungan na,
Mahalin mo siya,
Sa huling pagkakataon,
Pagkatapos,
Bitaw na.


Para sayo sa mga panahong iniwan ng di inaasahan, 
At paparating pa ang sariling tinig na baka nga may nagawa akong mali, 
Pakiramdam ko kasalanan ko, palagi ko naman kasalanan, eh. 
Kasalanan ko, hindi. 
Kasalanan ko.
Kasalanan ko.
Hinga, teka, ako naman!


*CTTO

0 comments:

Post a Comment

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

 

About Me

My Photo
Hey, little stars, shine your brightest!

Follow by Email