Parang That Thing Called Tadhana

Nanood kami kagabi ng That Thing Called Tadhana. Kala ko maiiyak ako, pero hindi naman pala. Yung iyak ni Mace sa eroplano, ganun na ganun ang iyak ko dati. Tipong ang sakit-sakit na, pero gusto ko pa. Di naman ako nag-Baguio nun, o nag-Sagada. Di ko din dinaan sa videoke. Pero lagi ako umiiyak. Minsan nga, naiiyak ako kahit nasa opisina ako at nagtatrabaho. Naiiyak ako pag mag-isa lang ako. Lagi ako umiinom. Lagi ko kausap ang mga kaibigan ko. Nakakatawa, hindi naman kami naka-8 years. Naiintindihan ko naman si Mace, kasi walang taon yun. Jusmio, walong taon. Nagkakilala naman sila ni Anthony nung time na nag-excess baggage si Mace, dinala niya kasi ang buong buhay niya. Kaya kabilin-bilinan ni Anthony na wag kasing ganun. Magtira kasi. Parang gusto ko batukan si Mace. Siya yung tipo ng babae na handang iwan ang lahat para sa taong mahal niya. Ganun siya magmahal. 

Ang ganda ng movie. Ang ganda ng cinematography. :P Tama nga yung sabi nila, kahit sinong nagmahal, at nagmamahal, makakarelate dito. Nung tinanong ni Mace si Anthony kung makakarecover pa kaya siya, parang gusto ko sumagot. Oo naman, makakarecover ka pa. Madaming Mace sa mundo ang nakarecover at masaya na. Yung totoo, tinanong ko din yan dati. :P 

Pero sabi nga ni Anthony, isang araw, nagising na lang ako, wala na. Nakalimutan ko na siya. 

0 comments:

Post a Comment

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

 

About Me

My Photo
Hey, little stars, shine your brightest!

Follow by Email