Ang Litanya sa Paglisan: Mga Tula sa "Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa"

I was browsing Facebook when I stumbled on this status by my friend that got me very curious.
So I asked him about it, and he told me that it came from the movie "Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa." I told him to message me a copy, and he did. Now, let me share you the feminist poems written by Merlinda Bobis and Joi Barrios. I honestly like these two poems, and I wish I wrote these instead. Nangangarap lang naman! :D 

The first one was written by Bobis - a writer, performer and academic. 

Litanya

Tula ni Merlina Bobis
Tinig ni Victor Robinson III kasama si Rocco Nacino
Guitars: Ada Tayao at Jema Pamintuan

Huwag mo akong iiwan
Tulad ng pag-iwan ng anghel
Sa kanyang pakpak, nalimutan
Sa bus na gumarahe
Sa gabing walang buwan

Huwag mo akong iiwan

Tulad ng pag-iwan ng buwan
Sa kaniyang mata, nahulog
Sa sapang nananaginip
Ng dilim na walang pintuan

Huwag mo akong iiwan
Tulad ng pag-iwan ng dilim
Sa kanyang tainga, pinigtal
Ng hanging nananalangin
Sa kay agang namaalam

Huwag mo akong iiwan
Tulad ng pag-iwan ng hangin
Sa kaniyang dila, nangupas
Sa kakahiyaw na
‘Huwag mo akong iiwan’
 

Pakpak mo, mata mo, tainga mo, dila mo
Ang nagpapatunay sa akin -
O di kaya ako
Ang lumikha sa’yo
Sa aking pananampalataya

Sa lipad, tingin, pandinig, awitin?
Pasulpot-patago na salawahang ulap.
 


Barrios - a Filipina poet and activist, got me into thinking with her poem. I'm sure, we all know the feeling of being left behind. Barrios tells us more than that heart-wrenching feeling.


Paglisan

Tula ni Joi Barrios

Sinasalat ko ang bawat bahagi
Ng aking katawan.
Walang labis, walang kulang.

Sinasalat ko bawat bahagi
Ng aking katawan.
Nunal sa balikat,
Hungkag na tiyan.
May tadyang ka bang hinugot
Nang lumisan?

Sinasalat ko bawat bahagi
Ng aking katawan.
Sa kaloob-looban,
Sa kasuluk-sulukan,
Nais kong mabatid
Ang lahat ng iyong
Tinangay at iniwan.
Nais kong malaman,
Kung buong-buo pa rin ako
sa iyong paglisan.


Buo pa ba ako sa iyong paglisan? Echos. See, this video for Paglisan.
Seriously, I love these poems that I wish I could be able to write something as wonderful as these. Simple pero tagos sa buto. :)

1 comments:

  1. sana po yung kumpleto nakuha mo.. hehe.. but i appreciate this thanks... hehe sana lng tlga heheh.........pero kung may makukuha ka pa pong complete pki kuha damay mo na din ang mga sheets nito hehe pra pedeng mtugtog... im a writer myself kya naiintindihan kita samalat at pag suporta mo sa panitikan ng lahing pilipino...

    ReplyDelete

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

 

About Me

My Photo
Hey, little stars, shine your brightest!

Follow by Email