Doodling: Abril

April 10, 2011

Maramot ang patak ng ulan,
     'pagkat Abril na naman.
Tigang maging ang sementong daanan na
   dati'y lusak ang lupa at tubig ang daanan.
Tiyempong may asembliya 
   ang mga anak-dalitang binaliw ng kawalan.

Sumasayaw.
Umaawit sa di mawaring tinig.
Umiiyak.


Tumatawa
   habang ang madla'y naglalakad,
   patakbo sa kanilang mga pangarap,
   palayo sa kanilang mga pag-ibig,
   patakas sa mundong sakop lagi ng lumbay,
   sa bayang iniwan na ng lumuluhang pag-asa.



Abril na naman.
Sinasalamin ng Maynila -
   ang mga batang nagtu-tumbang preso
   sa gitna ng magulong kalsada.
Nababakas ang walang pagsidlang tawanan.
Walang muwang.
Hupa na ang unos.

Pero hindi -
   ang nag-a-alimpuyong damdamin ng mga manggagawa.
Sinasalamin ng Maynila -
   ang mga pangarap na unti-unting tinatangay
   ng malamlam na ningas ng dilaw na kandila.
Hindi na maabot ng kakarampot ang tuluy-tuloy na pagtaas.

Patuloy ang asembliya -
   kasabay ang dagsa ng mga tao sa masalimuot na Maynila. 

Ngunit -
hindi magkatugma ang agos.

- Tsina

**Salamat sa larawan, Hieri!
***With permission from David

You Might Also Like

4 comments

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)