Random Kwento

Magku-kwento talaga ako about my Sagada trip. Kaso hindi ko pa nada-download yung mga pictures na in-upload nila. =) Yes, just got back from my Sagada trip. Ang dami kong kwento. Pero sa next posts na lang. =p

Pinilit lang talaga maisingit ang Sagada trip, eh. Paano naman kasi, may class ako nung Saturday. I skipped that. Grabe, ha.

Busy-busy na ulit. Well, actually, sa office, hindi na ako masyado busy. Pero sa school, ang dami pa kailangan gawin. May dalawa pa ako na oral presentations, dalawang major papers, isang 204 paper to be submitted on Saturday, at dalawang Finals. Lahat na iyan, within this month. At tinatamad pa naman ako these days. Pooh!

Ambagal ng net. Kaasar. Pero pag libre pala, bawal magreklamo. HAHA. Nakiki-wifi lang kasi ako sa kapitbahay. =p In fairness,  nakakatipid ako. Nakaka-check ako ng email, Facebook  at Twitter anytime. Pero minsan, walang connection, wala siguro si neighbor nun. Hehe. =))

Na-realize ko lang, may issue pala talaga ako on goodbyes. Withdrawal syndrome lang, eh. HAHA. Hindi ko in-expect pero nalulungkot ako sa pagka-roll off ko sa current project ko. By next month, sa ibang project na ako, or baka sa bench. Hindi ko pa alam kung sa Eastwood, Makati, McKinley or CG pa din ako dadalhin ng kapalaran ko. Tanong ko kaya kay Madam Auring? =)

Parang gusto ko ng touch phone. Although, hindi naman talaga. HAHA. Ang gulo ko. Parang gusto ko lang i-try. Ang cool kasi, chooosss! Happy naman ako sa BlackBerry ko kahit na walang flashlight/torchlight, walang dictionary (unless mag-install ako!), walang radio. At talagang yung flashlight/torchlight ang main concern ko, noh? Hehehe. 

On the other hand, nakakatuwa yung mga tao na hindi mo in-expect na magiging concern sayo. Hmm. Sabi mo nga, I can do it. =))) Let's spread kindness in the world! =)

From now on, mas magiging happy na ako sa buhay ko. There are so many good things in life. I dream a dream - and this keeps me going. =))

To give you a preview on my Sagada trip, eto -
To Echo Valley -
Ang ayus-ayos pa namin dyan sa picture. Ang cute ng top ko, noh? =)

O siya, hintayin na lang ang kwentong Sagada ko. Kailangan ko na matulog. Magre-research pa ako bukas tungkol sa ethanol plants. Hahaha!

*Thanks Jen for the picture.

5 comments:

  1. waah bitin sa pictures! I heard Sagada is a wonderful place, kaya more pix please! :))

    ReplyDelete
  2. bumili ka na lang ng lighter na may flashlight. 17pesos lang.

    so anong touchscreen gusto mo? (sana hindi ako nagtunog-DOM dun. curious lang talaga ako.)

    ReplyDelete
  3. haha stig na sagada trip. isa pa lang ang pics. parang teaser lang. hahaha. ganda po ng last kowts sa dulo

    There are so many good things in life. I dream a dream - and this keeps me going. =))

    i like

    ReplyDelete
  4. like ko rin yang pic na yan.. =)

    sino un ndi mu ineexpect na magiging concern sayo? haha!! <3

    ReplyDelete
  5. @ Ar-Ar Ayan, may Day 1 na ako. =))

    @ Nishiboy DOM much? HAHA. Joke lang. HTC or Experia siguro. Or BB touch. =)) Pa-deliver mo na lang, ha. =p

    @ Kikilabotz Oo, teaser lang talaga. =) Thanks! Kaya reach for our dreams. =))

    @ Apple Ang cute natin jan, noh? =)) HAHA. Secret kung sino. Chos! =))

    ReplyDelete

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

 

About Me

My Photo
Hey, little stars, shine your brightest!

Follow by Email