Friday, February 11, 2011

Ako, Puro na lang Ako!

Hindi ako magaling magsulat. Pero nag-e-enjoy ako na mag-share ng mga experiences ko. At oo, ang blogging ang isang form of release ko ng emotional baggages. Dahil matagal-tagal na din pala ako nagba-blog, may mga ise-share ako na mga tidbits!

1. Naka-68 blog entries ako nung 2010. Tinalo niyan ang entries ko from 2007 (19), 2008 (30) at 2009 (14) combined.

2. Natutuwa ako pag may nagko-comment sa mga entries ko.

3. Blog hopping na ang isa sa mga favorite hobbies ko.

4. Dati, A Dreamer talaga ang blog name nito, pero dahil nagba-browse ako sa office at kita yung blog name sa tab, pinalitan ko ng ... para hindi halata. Haha! Ang deep. =p

 
5. May dalawa akong blog entries na A ang title. At sa hindi ko maintindihan na kadahilanan, ang daming page views ng A (the second one). Maikli lang naman ito at very personal. 

A (2007)
A (2010)


6. May dalawa akong blog entries na Ikaw ang title. May slight difference, may comma (,) yung isa. Tsk tsk.


Ikaw, (2008)
Ikaw (2007)


7. May isa akong blog entry na ang title ay ...

... (2008)



8. Kung mag-blog ako noon, laging indirect reference to something. 


9. Hindi ako mahilig maglagay ng mga pictures sa mga blog entries ko noon. Hindi tuloy ako makapag-Link Within ngayon.


10. May ilan akong mga blog entries na supposed to be ay letters for certain people.


Isang Bukas na Liham (2008)
8 x 11 (2010)
8 x 11: Continuation (2010)
Letter to the One who Got Stuck in the Traffic (2010)


11. Meron akong mga blog entries na ang title ay name of the month. Pero ang March ay February entry ko.


December (2009)
March (2010)

12. Meron akong isang video lang sa blog ko - trailer ng One More Chance!


13. Meron akong isa lang na movie review - Harry Potter!


14. Pag wala akong magawa, binabasa ko ang mga previous blog entries ko at natatawa ako. Sobrang jologs at emo ko pala.


15. Ayoko maglagay ng Share button sa blog ko, kasi baka may mag-share! Haha!

16. Once ko pa lang na-try ang mag-blog using my mobile phone - Potipot!


17. Since 2005, nagba-blog na ako sa Friendster. Pero sinadya kong hindi i-link dito dahil naiirita ako. See sample below. 




Grabe. Sobrang disorganized ng thoughts ko. AT may jejemon phase pala ako. Pero promise, hindi ako ganyan mag-text. =)


18. May isa akong blog entry na ni-repost ko from my Friendster blog - Peterpan!

19. Handwriting Analysis ang pinakauna kong blog entry.


20. Four years na pala kami nitong blog ko. Sana wag kami mag-break. =p

18 comments:

  1. nice! four years! congrats!

    at tulad mo, sa friendster blog din ako nagsimula. lol.

    ReplyDelete
  2. wow it's a long way u and ur blog... everything is in your blog, ganon talaga happy, masaya, may horror man, thrill, nasaktan man hala sige iblog pa!

    ReplyDelete
  3. happy annivershary :) :) :) enjoy talaga pag nakikita mo how your life unfolds tru blogging. Isa pa, it serves narin as your legacy. :) Looking at your posts, nakikita ko nga na emo ka na tao :) hehehe

    Siguro try mo naman palitan into something positive ang tagline ng blog mo.. something like "life is good, bitch!" or something.

    Congrats ulit.

    Pakanton ka naman. :)

    ReplyDelete
  4. Happy blogging, tsina! hehehe

    ReplyDelete
  5. Ang tagal mo na pala nagbblog. Hmmm... Ako din medjo matagal na.kaso lahat ng post ko dati denelete ko at yun ang pinaka-pinagsisisihan kong parte ng buhay ko. lol..

    ReplyDelete
  6. wow four years, ako magiisang taon palang sa june ata, hehe

    meron din akong blog dun sa friendster, (yun ba yun, di ko lam yun eh,hahaha nyuk!) pero hindi ko binabalikan, nahihiya ako sa sarili ko eh, haha

    ReplyDelete
  7. you have an interesting blog. happy anniversary to "A Dreamer"...

    ReplyDelete
  8. enjoyed reading this post :) and I also hope hindi kayo mag break ng blog mo :)

    ReplyDelete
  9. Wow, 4 years! Well done. Sana ako rin mapatagal ko ng blog ko ng ganyan. Happy anniv =)

    ReplyDelete
  10. Nakaka-inspire naman 'tong post mo Ate Tsina...Andami nyo nang pinagdaanan ng blog mo. 4 years ba namn,e. Mabuhay sanyo!!!

    ReplyDelete
  11. Nakalimutan ko sabihin...I love you already!!!! ^.^<3

    ReplyDelete
  12. I see! Kaya pala ... and title ng blog mo! HAHA. make sense! Nice!

    ReplyDelete
  13. hahahaha yun pala yun. nwei happy 4th yr ^_^

    =kikilabotz

    ReplyDelete
  14. matagal na pala kayo nagbblog.. ako matagal na din pero sa network sute tulad ng FS at Ka_text.com dati...

    happy blogsversary po.. :)

    ReplyDelete
  15. ang tagal nyo na nung blog mo, sis! weeh sana magtagal din kame ng blog ko haha

    ReplyDelete
  16. Salamat sa inyong lahat. =) Don't worry, pipilitin ko na hindi kami mag-break. =))

    ReplyDelete
  17. enjoy enjoy lang tsina. happy blogging :)

    ReplyDelete

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)