Pasko and Facebook Blah Blah
December 19, 2010
Makikipag-reconcile na ako kay Facebook. Ang hirap pala ng walang access sa pictures ko. Pose ako ng pose, pa-cute ng pa-cute, pero wala naman akong kopya ng mga pictures. Aayusin ko na lang ang security settings ko. At ide-delete ang mga nasa friends' list ko na hindi ko naman talaga ka-close.
+++
Wala kami class nung Thursday. Kakaasar lang kasi busy sa office. Nagpunta pa din ako school kasi walang announcement na walang class. Piso lang naman ang text. Hay nako. The good thing, gumagawa sila ng parol for the lantern parade. Tumulong ako ng konti lang, as in konting-konti lang. Negligible, hehehe. Pero hindi rin ako nakanood ng lantern parade nung Friday kasi may work. Once pa lang ako nakanood ng lantern parade. Hindi naman kasi ako dun nag-undergrad. =)
+++
Company Christmas party kahapon sa Araneta Coliseum. Sa lower box dapat ako, kaso nasa upper box yung team mates ko, kaya tumakas ako para dun maka-pwesto. Hehe. Late ang Bamboo, buti na lang ni-save ni Alex Calleja, team lead/stand-up comedian, ang show. May regalo naman siyang netbook mula kay George. Sana daw iPad na lang. =p Pagdating ng Bamboo, performance level naman. Naka-12 songs sila. At oo, binilang ko talaga. Haha.
Pangatlo ko na itong Christmas party, pero never pa ako nanalo sa raffle. Deeemnn, sayang yung iPad at DSLR kagabi. =|
Pangatlo ko na itong Christmas party, pero never pa ako nanalo sa raffle. Deeemnn, sayang yung iPad at DSLR kagabi. =|
Sa Legend Villas nga pala yung Year-End Party (aka Christmas Party) ng project namin. Buti naman at hindi na kailangan mag-costume. Last year, nag-Jabbawockeez kami.
![]() |
At hindi nga ba nung Halloween party, eh nag-costume din kami? Buti ngayon, normal na tao lang ako. Haha!
+++
+++
Gusto ko na mag-bakasyon. Bakasyon mode na ako. Kaso may work pa ako hanggang Dec 23. Sa Dec 20, may get-together with 5B. Sa Dec 26, may get-together with Amazing. Sa Dec 27 naman ang get-together with Charity. At sa January 3 naman ang reunion namin ng Peyspipol. Kailangan ko pumayat. Chos!
Thanks Carla for the picture.
18 comments
Cute, mga babaeng Jabbawockeez...
ReplyDeleteworking student ka sis? nice!
ReplyDeletePaskonng kay busy.... sana masaya naman... hahaha...
ReplyDelete@ Glentot Hahaha. Thanks! Madaling gayahin. =p
ReplyDelete@ Hanging Bridge. Yup? Sa MA. =)
@ Kamila Haha. Masaya naman. Busy talaga pag Pasko. =)
nagmamasteral ka ba sa up? gusto kong mag-enroll sa creative writing dun kaso parang hindi ata kaya ng oras ko. pfft!
ReplyDeletegusto kong panoorin ang rpg. just because it's the 1st 3d-produced motion picture of this country. am excited! XD
Nako. Time at effort ang mag-MA. =( Pero kung gusto mo talaga, go! =)
ReplyDeleteYun nga din dahilan kaya gusto ko siya panoorin. Hehe. =)
huwaw MA :) hehe... been reading the previous comments... thanks for dropping by nga pala sa blog :) mwahaha...
ReplyDeleteHaha. Nako. Thanks din. =)
ReplyDeletewee... parang last year sout2 ko din jabawokez sa party...
ReplyDeleteang kulit!
ReplyDeletePanahon na talaga ng partee-partee dyan sa Maynila, habang dito sa mahal kong probinsya ay bumabaha dahil sa rain hihihi
ReplyDeleteNext year, malay mo mapasa-kamay mo na rin ang iPad at DSLR ;) Good luck!
Alin ka dun sa mga Jabbawockeez? Baka makilala kita sa personal, anong malay natin?
ReplyDeleteMuahness from Pasig Citehh!
following ur blog, so i can learn to write in tagalog :D nice blog =)
ReplyDelete@ KikoMaxXx and Wandering Commuter Haha. Thanks!!
ReplyDelete@ Nortehanon Waaa. Umuulan na pala jan sa lugar nyo.
Malay natin, magka-DSLR/Kindle na ako. Hehe. Thanks!
@ Momel Secreeett! Hahaha. =p
@ Kimberly Thanks!!
gusto din ng asawa kong manood ng Rosario. mukhang maganda daw. nagtaka nga ako kasi di naman sya mahilig sa tagalog movies.
ReplyDeleteParang maganda naman kasi yung trailer niya. Hehe. Panoorin natin, dali! =)
ReplyDeletewow! jaba! hahaha
ReplyDeleteako never pa nakaka-attend ng lantern parade. :(
Haha. Madali lang kasi gayahin si Jabba. Ndi sa dance moves, ha. Hehe.
ReplyDeleteUy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)