MTM

Sinadya ko talaga na hindi mag-blog agad tungkol sa masters ko. Ako kasi yung tipo ng tao na mahilig mag-risk pero tahimik lang. As much as possible, hindi ko siya ida-daldal. Ayoko kasi napapahiya. Hindi naman sa gusto ko i-please ang mga tao sa paligid ko, pero ayoko ng may nangingialam sa mga desisyon ko sa buhay.

Last year ko pa talaga pina-plano na mag-masters. Kaso naunahan ako ng insecurities ko. Baka maging miscast ako sa kwentong ito. Baka ma-intimidate ako. Master of Technology Management (MTM) kasi ang gusto ko sa University of the Philippines (UP). Sa mahal kong probinsiya ako nag-graduate ng college, at hindi naman ako yung may magandang academic record talaga. Ayun, naunahan ako ng lahat ng negative thoughts.

Pero earlier this year, March, nag-settle ako sa thought na gusto ko ito gawin. Gusto ko mag-masters. Nag-download ako sa website ng application forms. Nag-email ako sa professor ko nung college for recommendation. Humingi din ako ng recommendation from my Team Lead. Hindi muna ako nagpaalam sa manager ko. Naisip ko, pag pumasa na lang ako sa entrance exam, at saka ako magsasabi sa kanya. March 5, nagpunta ako sa Technology Management Center (TMC) sa CP Garcia para mag-submit ng requirements. At naligaw pa kami ni Meri, take note. =p Sunday of the said week, exam na pala. Kinabahan ako. No preparation at all. Naisip ko, hindi yata para sa akin ito. 

Pero nung tumawag si Ms. Rose. Nag-schedule siya ng interview. Natuwa ako na pumasa ako sa exam, promise. Feeling ko kasi, ang hirap nung ilang parts ng exam. Sabi sa akin nung interview, hindi ako marunong magsulat. Napa-ouch ako. Alam ko na madalas eh hindi organized ang thoughts ko, pero masakit pala na marinig mula sa ibang tao iyon. Hehehe. Oo. May essay part din kasi yung exam. Feeling ko, gumuho ang mundo ko. Hindi yata ako pasado. Natuwa ako pagka-release ng results. Syempre, natuwa ako nung makita ko yung name ko. Yuhhhhoooo, pasado pala ako. Medyo hindi lang ako natuwa kasi 2K per unit na pala. Akala ko, 1K lang. Hehehe. Bago mag-enrolment. Meron pa kaming limang workshops/preparatory courses – General Management, Marketing, Productions and Operations Management, Effective Business Communication and Accounting. Tumataginting na 7,200php yun. Naisip ko, hindi yata ako ready financially. Lol. 

June 9 ang first day of classes – the day after my birthday. Dalawang subjects lang ang in-enrol ko – TM 201 at 251. Wednesdays (6-9pm) at Saturdays (4-7pm) ang classes ko. Buti na lang, mabait yung manager ko. Pumayag siya na maaga ako mag-out ng Wednesdays. Flexible sched din naman kasi kami.

In fairness, nag-e-enjoy naman ako. Madami ako natututunan. Madami ako nakikilala. Medyo feeling close na nga ako kay Ronald. Siya ang may mabuting loob na sinasabayan ko umuwi. Eng-eng kasi ako pagdating sa mga lugar. Tatlo nga pala kaming Sheena sa batch. Yung isang Sheena, classmate ko sa TM 251. Medyo nagiging close na din kami. Yung isa pang Sheena, hindi ko siya classmate, pero in good terms naman kami. FB much?

Ang saya-saya kasi ang daming mga bagong tao sa buhay ko. Ang saya din nung acquiantance party namin kahit na majority ng nag-attend eh kaming mga freshies. Bowling ito. At coke party. =p 
Ang masters, hindi lang puro saya. May midterms at finals. May case studies. May business plans. May weekly reaction papers. May presentations na masasabon ka. At oo, may trabaho pala kami. =p Yung last three weeks ng klase, gusto ko na mag-panic mode. May 2 finals, 2 business plans at isang case study. Hindi ko na alam kung ano uunahin ko. Hindi pa naman ako ang pinaka-organized na tao sa mundo. =p 

Second sem na. Dalawang subjects lang ulit in-enrol ko. At excited na ako sa lahat ng mga matututunan ko at sa mga taong makakasalamuha ko.

Hello, MTM!
http://www.tmc.upd.edu.ph/

17 comments:

  1. Mahirap po ba yung exam? Mahirap po ba yung math?

    ReplyDelete
  2. Madali lang. Yakang-yaka mo yun, I'm sure. Good luck! :)

    ReplyDelete
  3. this is cel1024...hi...may minimum average ba ng grades? i mean yung total average mo nung undergrad...i'm not one of this na merong magandang academic record. alam mo ba if tinatanggap kahit may incomplete grade sa TOR? naka relate ako sayo sobra. ako nmn mag iipon pa ng lakas ng loob hayssttt..paki sagot po tanong ko para may idea ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Cel, re: your questions on the grades, better call TMC. Eto yung list of requirements: http://www.tmc.upd.edu.ph/?page_id=57 kaya mo yan, try mo lang, wala naman mawawala sayo kung magtry ka. Good luck!!!

      Delete
  4. how about po this " Applicants from schools where English is not a medium of instruction are also required to take the TOEFL and obtain a minimum score of 550. All applicants will also undergo a written examination and an interview." -- applicable po ba yan? salamat po

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. Ilang year po kayo sa program bago maka graduate? Depende po ba yon Sa dami ng courses na i-eenroll? Ilan po yung required units para matapos yung program?

    ReplyDelete
  7. Hi, Ms Rose also called me and I am scheduled for interview on June 1, what are the possible questions? Please help, I have this butterflies in my stomach for a week now... GRRR! ��

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hiiii, kaya mo yan! More on capacity to handle both work and school loads. Good luck!!!

      Delete
    2. ahhhhh... thanks sa tip anyway.... hayyys!

      Delete
  8. Hi Tsina,

    May mga ka batch mate kaba na nag decide mag 9 units? Na interview na ako last May 31.
    I'm assuming na nakapasa. kailangan ko maging optimistic hehehe. Pero hindi naman ako takot sa failure.

    Ano pala ang maipapayo mo sa mga new applicants, ma recommend mo ba na mag 9 units or 6 units lang muna?

    Regards,
    Alvs

    ReplyDelete
  9. Hi Tsina,

    Salamat sa blog na ito. Ang dami ko nalaman tungkol sa TMC.
    Na interview na pala ako last may 31. Ayun nag hihintay nalang ng resulta. Pero isipin natin na pasado kami.

    Ano ang maipapayo mo sa mga mag enroll para sa taong ito?
    Mahirap mag aral kasi habang nag tatrabaho, kaya ano ano ang mga dapat namin ihanda at gawin para mapagbuti din namin ang pagaaral habang nagtatrabaho.

    Salamat at ingat palagi.

    Regards,
    Alvs

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hiiii, kailangan ng dedication at time management talaga. Kaya naman mag-9 units but make sure you'll really allot time to study. Plus consider din yung work schedule and travel time. Kaya mo yan!!! Plus make friends and enjoy your time in TMC!!

      Delete
  10. Hi.

    Would it be possible if you could give us ideas on what will appear on the entrance exam? Thanks!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I couldn't remember na. But I didn't review for it, so I think kaya naman.

      Delete

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

 

About Me

My Photo
Hey, little stars, shine your brightest!

Follow by Email