A for Apol

Nakatitig ka lang sa pangalan niya sa Communicator. Umaasa ka na makita yung notification sa gilid. Hinihintay mo na sabihin niya sa’yo na aalis siya. At baka matagal-tagal na hindi mo muna siya makikita. Sasabihin niya sa’yo na may Communicator naman, may Facebook, may Yahoo Messenger kaya parang hindi din siya mawawala. Nakatitig ka lang. Naghihintay.

Pero hanggang sa mapagod ka na, yung green ay green pa din. Wala pa din na notification sa gilid. Nag-sign out ka na.

Ang bagal ng lakad mo. Baka sakali, pauwi na din siya. Pero nandyan na ang elevator, wala pa din siya. Dumaan ka pa sa Mini-Stop. Dumaan ka pa sa grocery. Bumili ka pa ng dalawang apol kahit sa tingin mo, hindi siya masarap. Kasi, baka mamaya paglingon mo, makita mo siya naglalakad papunta sa’yo.

Tiningnan mo yung telepono mo, baka sakali, may text mula sa kanya. Pero hindi nga pala niya alam ang number mo.

Pagdating mo sa bahay, natuklasan mo na hindi pala masarap ang apol na nabili mo. Tama nga ang hinala mo, hindi pala siya malutong. Napa-buntunghininga ka na lang. May Communicator man, may Facebook at may Yahoo Messenger, alam mo na wala ka matatanggap na message mula sa kanya.

6 comments:

  1. aliw naman ang blog na ito! :) nice posts... will definitely come back to read more!

    ReplyDelete
  2. Hahaha. That's nice of you to say. =) Feeling ko, ka-dramahan/angst/pag-e-emote lang laman ng blog ko. =)

    ReplyDelete
  3. grabe sis... sobrang nakakarelate ako dito sa post mo (at obvious ba na masyado akong nageenjoy dito sa blog mo *lol*). That's exactly how I've been feeling the last couple of uhm months *sigh*

    ReplyDelete
  4. Wow, sis. Natuwa naman ako jan sa sinabi mo. I mean, sa nag-e-enjoy ka sa blog ko. Hahaha.

    At medyo matagal-tagal na ang pag-e-emote natin ha. Care to share?

    ReplyDelete
  5. hayaan mo sis, mashashare ko din kapag kaya ko na :) :D

    ReplyDelete
  6. Sige lang, sis. Just drop a message dito or sa GT. =) Smile. =)

    ReplyDelete

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

 

About Me

My Photo
Hey, little stars, shine your brightest!

Follow by Email