Salamat, Orez!

Nakakainis. Mas pinapahalagahan talaga natin ang isang tao kapag wala na sila sa buhay natin. Bakit nga ba ganun?

Hindi naman kita crush. Close friend lang ang tingin ko sa’yo – kasabay umuwi, kakulitan, ka-groupmate. Hindi ko alam kung bakit isang araw, possessive na ako sa’yo. Nagulat ako nung Wednesday. Bakit parang naiinis ako na nagtatawanan kayo? Bakit naiirita ako na kinakausap mo siya pero ako hindi? Naguguluhan ako.

Confirmed. Hindi na tayo magkakasama ulit. Iba na schedule mo. Iba na schedule ko. Hindi ko naman ugaling mag-adjust para sa ibang tao – kahit pa para sa’yo.

Tahimik lang ako nung nagku-kwento ka nung nagla-lunch tayo. Wala naman ako masasabi. Baka mapansin mo lang na naiinis na ako kasi yung 50% na chance na makasama kita ulit ay leaning to negative.Wala, eh. Sasabihin ko sana sa’yo beforehand yung schedule ko, pero mukhang decided ka na. Tahimik na lang ako.

Maya-maya lang, pinag-uusapan na naman yung schedule. Naiinis na ako. Bakit ba lagi na lang na iyan ang topic? Bigla ko na lang nasabi na hindi na tayo magkakasama. Natatawa ka. Sabi mo, mami-miss mo ako noh? Hindi ako nakasagot.

Nung napanood ko yung Eat, Pray, Love, naisip kita. Sabi kasi nung bestfriend ni Liz na hindi niya kailangan na umalis kasi may support system naman siya dun na tutulungan siya to move on. Alam mo ba na ganun ka din sa akin? Ikaw yung isa sa support system ko. Sa bagong mundo na pinasok ko, isa ka sa mga umalalay sa akin. Hindi ko kailangan na maging cool pag kasama kita. Hindi ko kailangan na maging sobrang intellectual. Basta alam ko lang, pag kasama kita, kailangan ko lang maging ako.

Dati, binibiro lang kita na ang swerte ko kasi nandyan ka. Sa pinaka-mababaw na dahilan na hindi ko kasi alam kung paano umuwi mag-isa. Hahaha. Oo, kasi sa’yo, nai-di-display ko yung mga ka-engot-engotan ko. Pinagsasabihan mo ako pag madami akong non-sense questions. Lagi mo ako inaasar. Lagi mo ako niyayabangan.

Sabi mo, dapat nga matuwa ako kasi may mga new set of friends na naman ako na makikilala. Paano ako matutuwa eh wala ka na? Sino na lang kaasaran ko? Sino na mang-aapi sa akin? Sino na kasabay ko umuwi? Sino na lang magpapalakas ng loob ko?

Nalulungkot ako.
At mami-miss kita.

+++
Malapit na nga pala kaarawan mo..
Happy Birthday!!!!
+++

*edited

0 comments:

Post a Comment

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

 

About Me

My Photo
Hey, little stars, shine your brightest!

Follow by Email