26 before 26!

Tinatamad ako. Kaya naisipan ko na lang na mag-blog. Iniisip ko, ano ba gusto ko i-share ngayon? Hmm. Nung nag-blog hopping ako last week, nakita ko yung 25 before 25 project ni Apol. Naisip ko, ako din, gagawa ng list. Oo, medyo may pagka-inggitera kasi ako. Lol.

1. Get a tattoo. Uber low ng physical pain tolerance ko, pero gusto ko magpa-tattoo. Astig lang. Chos! Here’s the henna tattoo I got in the UP Fair last Feb 2009. =)

2. Conquer Sagada. For the nth time, gusto ko pumunta sa Sagada. Parang tingin ko, I’ll commune with nature in this place. Ang dilemma ko dati ay wala ako mayaya na mag-land travel with me for more than 10 freaking hours. Buti na lang, gusto din pala nina Apol. Niyayaya namin yung mga batch mates namin sa work. Sana matuloy, slated on December ito. =)

3. Watch a movie alone. I-le-level up ko na ang pagiging independent mode ko. Kung kaya kumain mag-isa sa mga resto, at kaya ko mag-mall mag-isa, bakit hindi ko makakaya na mag-movie mag-isa?

4. Bangkok Solo Travel. Papanindigan ko na ang pagiging loner/independent kuno ko. Gusto ko mag-solo travel at gusto ko sa Bangkok. Safe naman dito for backpacking. At mura lang. *wink*

5. Publish a book. Forever dream ko ito. May collaboration ako with my college-slash-school paper friends. Kalipunan ng mga tula. Naks, kalipunan daw! Lol. Writer-writer-an kasi ang drama ko. Sila talaga ang magagaling magsulat. Ako eh sabit lang! =)

6. Climb. Climb. Climb. I wanna be on top of the world! ‘nuf said. =)

7. 26-inch waistline. Nami-miss ko na maging payat. =(

8. Sponsor a child in World Vision. Matagal ko na gusto gawin ito, kaso financially unstable pa ako. Tsk. Tsk. Tsk. Hopefully, by 2011.

9. Volunteer. Matagal na din ako naghahanap ng volunteer works. Nag-sign up ako sa Black Pencil Project, pero nung time na may outreach program sila, ako naman ang hindi pwede. Father’s day kasi nun.

10. Watch Harry Potter on 3D. Am I excited for November? Of chors! I miss Harry, Hermione and Ron. The trailer is just sooo fantastic! Iiyak kaya ako sa second installment ng last movie? =p

11. Go on a blind date. This is a big no-no for me. But hey, I’m 25, it would be nice to do something daring. But he should at least be a friend of a friend of a friend of a friend.

12. Get a DSLR. I’m a frustrated photographer. In college, SLR pa lang nun, I joined a photojournalism contest and won 3rd place. Tsamba! IKR.

13. Send snail mails to 5 friends. Sa sobrang technology enthusiasts na yata ang mga tao, it would take 5 seconds to comment on a friend’s FB status and another 5 seconds to send tweets to all your followers. Parang snail mails would be a great reminder of our good old past. Isa rin itong way to show that we have time to “stop and smell the roses”.

14. Start a scrapbook. Nakakatuwa lang. Sabi ko dati, pag may bf na ako ulit, mag-start na ako ng scrapbook. Eh, ang tagal niya, so sisimulan ko na. Lol.

15. Take pictures in photo booth. Makiuso lang ba? =p

16. Get certified. I already have one certification. But I have another certification in mind. Sana! =)

17. Pay off my credit card dues. Naging irresponsible credit card user ako this year, kaya ayun tuloy, kailangan ko na magbayad-bayad. Hehehe.

18. Get the highest score on one of any midterm/final exam. Hmm. Motivation lang. =p

19. Join a gameshow. Pangarap ko dati pa na sumali sa mga game shows. Gusto ko nga sumali dati sa Game Knb? at nag-text pa talaga ako to join, kaso wala, eh. Ngayon, okay yung Who Wants to be a Millionaire? or yung Asar Talo. Kaso pikon akoooooo!!

20. Corregidor trip. Gusto ko sana mag-cruise. Kaso jusme naman, ubod ng mahal. Corregidor trip na lang muna. Hehehe.

21. Save. Ang dami kong gastos, but I'll try to at least start an emergency fund. Kailangan ko ba ito? May ASLA naman ako, eh. Chos! =) 

22. Win something. Join lang ng join sa mga contests hanggang manalo. The last contest I joined in, this first quarter daw ang results. Please!!! =)

23. For a month, no FB, no YM, no BBM, no Twitter. Let's see how I can break up with technology. =p

24. Lie in the rain. Pangarap ko ito, promise! =p

25. Meet someone famous. Pa-autograph ba? =)

26. Live. Love. Enjoy. =)

4 comments:

Traveliztera said...

I wanna climb and be on top of the world too!!! :D

And that's so nice of you na u want to be a sponsor and be a volunteer... I admire you for that!

Oh yeah... me and my friend are also planning to snailmail each other! :D I actually miss that...! Goodluck sa contest na sinalihan mo a! ;D I've joined a lot of contests na rin! Good luck satin! hehe!

Tsina said...

yup. yup. sana maka-climb na talaga ako. sarap siguro ng feeling on top! =)

Ohh. Thanks, I hope I really could start sponsoring a child na. Kahit isa muna. =)

And thank you, hope I'll win. If not, well better luck next time. =)

Chyng said...

aww, i like your list. specially, sagada, bkk alone, and TATTOO! goodluck!

..a goal without a plan is just a wish.. -- little prince Ü

Tsina said...

@Chyng I'm wishing lang pala. Chos. =)

Kaya ko ito!! =)

Post a Comment

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Copyright © ... - Blogger Theme by BloggerThemes & newwpthemes - Sponsored by Internet Entrepreneur