24.24F

Ngayon ka lang ulit nagawi dito. Ang lapit-lapit mo pero pakiramdam ko palagi, ang layo mo. Mula nung June hanggang ngayong October, isang beses pa lang kita nakausap. Naalala mo ba yun nung nag-Hello ka sa akin nung nasa may elevator tayo? Baka hindi mo na tanda yun.

Pagdating sa mga pangarap kong gawin sa buhay, hindi ako madaling mag-give up. Makulit kasi ako. Pakiramdam ko, lahat ng gusto ko pwede ko makuha, basta tamang effort lang.

Pero, ikaw, gusto pa din kita. Pero gusto na kita i-give up.

Naka-hide na pala ako. O mas tamang sabihin na filtered na pala ako sa Facebook updates mo. Oo. Minsan kasi tinitingnan ko yung profile mo. Kasi nga, hindi ka naman mahilig mag-status. Nakita ko, may game updates. Pero hindi lumabas sa news feed ko. Ang totoo, nalungkot ako.

Ngayon, wala na akong dahilan para i-private message ka. Wala na ako maisip kung paano ko pa ipapaalam sa’yo ang existence ko. Ang totoo, bigla ako napagod.

Gets ko naman kasi. Hindi naman talaga tayo close. Minsan, nakakainis din yung pagpi-feeling close ko.

Siguro, naiinis ka na din.
* kathang-isip. o bahala ka na isipin kung kathang-isip nga.

0 comments:

Post a Comment

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

 

About Me

My Photo
Hey, little stars, shine your brightest!

Follow by Email