Puerto Princesa is Love: Honda Bay


Honda Bay

Ang sabi ni Jane, susunduin kami ni Kuya Danny ng 7.30am para makapamalengke pa kami ng ila-lunch namin sa island hopping. Medyo na-late ng dating si Kuya Danny kasi ni-prepare pa niya yung gagamitin namin for lunch. Bumili kami ng hipon, pusit, isda at mangga for dessert. Dumaan muna kami sa mini-grocery para bumili ng softdrinks, itlog na maalat at bread for fish feeding. Nagdala din kami ng madaming tubig. Pagdating sa wharf, nagbayad kami ng 1300php para sa boat. For our first stop, sa Pandan Island kami. May entrance fee dito na 25php/pax at 150php for the cottage. Yung pagkain namin, inihaw ni Kuyang boatman. Yung mga hindi pwede iihaw e.g. rice ay pinaluto namin sa island for 100php. Yung assistant ni Kuyang boatman, sinamahan kami na mag-snorkeling. At grabe, panalo kung panalo. Kakaiba yung feeling na yung isda naglalanguyan sa tabi mo. Kahit hindi ako marunong lumangoy, na-enjoy ko pa din ang snorkeling. Salamat sa life vest. Lahat na yata ng klase ng isda nakita na namin. Nung mapagod na kami, nag-decide na kami na mag-lunch. Ang sarap ng pagkain. Ang sarap ng buhay ng bumabakasyon. Hahaha.

L-R Dwin, Rogelio, Jane, Tsina, Apol, Silina
Super ganda!
Pandan Island
Fish Feeding
Kainan naaa!
After lunch, picture taking lang sandali tapos lumipat na kami ng Snake Island . Dito sa Snake Island , walang entrance fee.
Snake Island
Dumaan din kami sa Starfish Island. Dito naming nakita si Nemo. =) Ang dami nila at ang liliit. Hehehe.


Nemoooo!
Sa Pambato Reef na next stop namin, may entrance fee na 50php. Grabe. Medyo nakakatakot dito kasi sobrang lalim ng water. As in wala na ako makita underneath. Pero naman, around the area, ang gaganda ng corals. Ang lalaki pa, feeling ko may kaharian sa ilalim ng dagat.

Last stop namin ay sa Luli Island. Hindi na kami nagbayad ng entrance fee ditto kasi sabi ni Kuya pag picture taking lang at sandali lang, okay lang naman daw kahit hindi na magbayad ng entrance. Pinagpaalam na lang niya kami sa caretaker. Camera whoring lang kami dito.
Luli Island
Tinext ko lang si Kuya Danny na pabalik na kami ng wharf. Pagdating sa wharf, nandun na nga siya at naghihintay. Dumeretso na kami sa Aniceto. Pagdating sa pension house, tumawag kami sa Ka Lui para magpa-reserve. By 8.30pm yung reservation namin kaya naligo muna kami at nagpahinga. Pagdating namin sa Ka Lui, ang ganda ng ambiance. Kailangan din pala na iwanan ang slippers/shoes sa may entrance. Ang daming tao pagdating namin dun. Nagulat lang ako na ang menu lang pala nila ay yung set meal of the day at konting add-ons. Yung set meal nila is good for two lang. Ito yung pinakamahal naming meal sa trip na ito. Hehehehe. =)



2 comments:

  1. Hi! I enjoyed reading your post on your adventures in Palawan. I am going to Palawan with my parents on Oct 6-10. Ang dami kong nakuhang tips from your blogpost. Pwede po magtanong san kayo kumuha ng package for the island hopping?

    ReplyDelete
  2. Si Kuya Danny ang kinuha namin. Siya na nag-arrange ng lahat. Check mo yung contact number niya sa City Tour post. But pagdating naman sa wharf, we'll just pay them lang, si Kuya Danny lang talaga naghatid sa amin dun. Hope you'll enjoy your Palawan trip. =)

    ReplyDelete

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

 

About Me

My Photo
Hey, little stars, shine your brightest!

Follow by Email