August 27, 2010 Tsina 0 Comments

Hindi ko alam na ang =(( ay broken heart sa chat.

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Hostage

August 24, 2010 Tsina 0 Comments

I want to cry. I offer no excuse for the Filipinos. I am sorry to the hostages that have been killed and hurt.

There is no excuse really. 

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Tree Planting - Magtanim ay Hindi Biro

August 22, 2010 Tsina 2 Comments

Nag-sign up kami nina Silina at Apol sa tree planting activity for the Marikina Watershed. Last week, na-receive namin ang calendar invite for the said event with matching PowerPoint presentation for additional details. Napa-ping ako sa kanila bigla nang makita ko na ang meeting time ay 5.30am. Gosh, I'm not a morning person, and I'm not sure if I'd be able to wake  up that early. Ni-browse ko naman yung presentation, at napa-ping na naman ako, feeling ko kasi, hindi ko kakayanin. Pero sige, do something for the environment. Kaya iyan!!

In fairness to me, nagising naman ako ng maaga kahapon. By 5am, nag-text na ako sa kanila. Nag-worry pa ako ng kaunti kasi baka sila ang hindi nagising. Fortunately, dumating naman kami on time. Well, na-late ng ilang minutes si Silina. The thing is, she paid 500 php for the taxi just so she won't be late. Hindi nga ako maka-move on ng ni-kwento ni Silina iyon, eh. Imagine, 500 php? Oo. Cheapskate ako. Hahaha. 

Dumaan muna kami ni Silina sa MiniStop kasi gutom na ako. I bought siopao and mineral water. Pero may free breakfast nga pala courtesy of our company - Jolly Hotdog, Goldilocks' Ensaymada and mineral water. Kinain ko na muna yung Jolly Hotdog ko at ni-reserve ko na for lunch yung ensaymada. 

Hindi ko lang namalayan, nakatulog pala ako the entire trip to Antipolo. Hay, wala talaga akong ka-buhay buhay. Hahaha. Nag-download kasi ako ng kung anu-ano the night before kaya antok na antok ako. Fortunately, nakaya ko na gisingin ang sarili ko when we reached the place. 

Tinuruan muna kami kung paano ba magtanim ng wildlings. Prepared na ang lahat by the community, ang gagawin na lang namin ay itatanim ang mga wildlings. Ang bongga lang na may halong trek ang tree planting na ito. At kinabahan ako kasi twice ako muntik na mahulog. Mild lang naman yung una at nakahawak pa ako. Pero yung pangalawang time, akala ko, mahuhulog na talaga ako at magkakabali-bali na ang buto ko. Wala na kasi ako matapakan nun, at na-out of balance na ako. Buti na lang, may mabubuting loob na tumulong sa akin. Thank God!





Ang hirap magtanim. Mainit at nakakapagod. At hanggang nagyon ay may insect bites pa ako. Hindi yata talaga effective sa akin ang Off. Pero sa tingin ko naman, it's worth it. Ang dami ko lang natutunan. Syempre, nandyan ang realization na magtipid ng papel. Kung iisipin lang natin ang mga papel na sinasayang natin araw-araw, at ang katotohanan na kung ilang puno siguro ang pinuputol para lang magkaroon tayo ng papel, grabe, we're abusing the environment. At sa papel pa lang iyan, paano pa yung mga illegal loggers? Oo nga pala, ang sabi ay in seven to ten years ay saka pa lang magiging puno ang mga wildlings na tinanim namin. Yehey!! Can't wait. =))
Naisip ko lang, siguro more on environment awareness ang target ng organization na nag-invite sa amin. And it's nice to know that people are doing their part. And it's also nice to know that I could do something for the environment. Matagal ko na pangarap mag-participate sa mga ganitong volunteer work.

Sa uulitin, magsa-sign up ulit kami. =))

* thanks for the pictures Jabey, Apol & FPE Cubes

2 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Rant

August 21, 2010 Tsina 0 Comments

I’m not an actor. You know, I couldn’t hide my disappointments. I couldn’t say I’m okay when in fact I'm falling apart.

There are times that I just want to cry as hard as I could because I know – no matter what I’ve done, it will never be enough. Please, do not remind me, as I am fully aware, that life is not fair. Say that I'm weak but I really couldn't care less. I know, I've hurdled enough. I've had too many shares of the unfair realities. But this is just one too many.

And sometimes, it really gets so tiring that I couldn't find any reason to stay.

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Puerto Princesa is Love: City Tour

August 13, 2010 Tsina 3 Comments



City Tour

Medyo late na kami nagpa-schedule ng city tour namin. By 9am nasa pension house na si Kuya Danny at hindi pa kami ready lahat. Hahaha. Buti na lang, konting suklay suklay na lang, ayos na. At since last day namin yun, nagpaalam kami na iwanan muna namin yung gamit namin. Nilipat namin yung gamit namin sa room nina Jane kasi may naka-reserve sa room namin.

First stop namin ay sa Immaculate Conception Cathedral Parish. At dahil first time ko sa church na ito, nag-wish ako. Sabi kasi nila, pag daw first time sa isang church, mag-wish daw, at magkakatotoo daw yun. I hope. =)

Dumaan na din kami ng Plaza Cuartel since walking distance lang naman from the church. As usual, picture-picture kami dito.
Plaza Cuartel
Sa Baywalk naman ang next stop namin. Ang cute pala sa Baywalk. Siguro, mas maganda dito pag gabi. Pwede ka mag-bike o tumambay lang, kami naman eh nagpa-picture lang. Larga na agad after.
Baywalk Pictorial =p
At syempre, papalampasin ba namin ang Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center? Syempre, hindi!! Kaya hello, crocs!! Nakakatakot ba ang mag-meet and greet with the crocs? You be the judge. Hahah. =)
Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center
Scary!!

Ehem, ang tapang kooo!
Sa Baker’s Hill naman ang next stop namin. Ang ganda dito. Ang ganda ng mga bahay. May kalesa pa at nandun din si Bugs Bunny. Bumili na ako dito ng konting pasalubong – hopia at crinkles.
Baker's Hill
Dumaan na din kami sa Mitra House for photo ops. As usual, hahaha. In fairness, nice din dito. Feeling mo, may hasyenda ka.
Since gutom na gutom na kami, nagpahatid na kami sa Haim Chicken Inato. Ni-try namin yung specialty nila. Si Jane, nag-take out. Yung officemate daw niya kasi, yun ang gustong pasalubong. At nung natikman naman niya, nagdagdag pa siya ng isang order for takeout para sa sarili niya.
Dwin
Last stop namin for city tour ay sa tiangge. Syempre, para sa pasalubong. Ang mura lang ng mga t-shirts. Bumili ako ng tatlo para sa Tatay ko, sa kapatid ko at sa akin. Bumili din ako ng mga pearls at ng kasoy at cashew tart para pasalubong sa friends and officemates. Bumalik na kami ng Aniceto pagkatapos namin na mamili sa tiangge. Si Jane ay nagpadaan pa sa palengke para mamili ng mga sea foods. Nag-freshen up lang kami sa room habang hinihintay sila. Sinuot na din naming yung mga Palawan shirts na binili namin. Wala lang, may Palawan fever, eh. Lol.

Isa lang masasabi ko, love ko na ang Puerto Princesa. Hehehe.

Ito ang travel expenses namin:
So bale, 2964.20 php plus food plus rent for the snorkeling  gears plus pasalubong equals bonggang budget travel. =))

Contact Numbers:
Aniceto’s Pension – 09272059782
Kuya Danny – 09106661767

**Thanks Jane, Apple, and Dwin for the pictures. Thanks na din Silina. =p 

3 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Circus

August 13, 2010 Tsina 0 Comments


Hindi pala sapat ang tumambling-tambling lang. Next time kaya, i-try ko bumuga ng apoy? Baka tumaas ang commercial value ko. Pero kapag wala pa din, lilipat na ako ng ibang circus. Baka kasi dun, mapansin ang contribution ko.

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Puerto Princesa is Love: Honda Bay

August 12, 2010 Tsina 2 Comments


Honda Bay

Ang sabi ni Jane, susunduin kami ni Kuya Danny ng 7.30am para makapamalengke pa kami ng ila-lunch namin sa island hopping. Medyo na-late ng dating si Kuya Danny kasi ni-prepare pa niya yung gagamitin namin for lunch. Bumili kami ng hipon, pusit, isda at mangga for dessert. Dumaan muna kami sa mini-grocery para bumili ng softdrinks, itlog na maalat at bread for fish feeding. Nagdala din kami ng madaming tubig. Pagdating sa wharf, nagbayad kami ng 1300php para sa boat. For our first stop, sa Pandan Island kami. May entrance fee dito na 25php/pax at 150php for the cottage. Yung pagkain namin, inihaw ni Kuyang boatman. Yung mga hindi pwede iihaw e.g. rice ay pinaluto namin sa island for 100php. Yung assistant ni Kuyang boatman, sinamahan kami na mag-snorkeling. At grabe, panalo kung panalo. Kakaiba yung feeling na yung isda naglalanguyan sa tabi mo. Kahit hindi ako marunong lumangoy, na-enjoy ko pa din ang snorkeling. Salamat sa life vest. Lahat na yata ng klase ng isda nakita na namin. Nung mapagod na kami, nag-decide na kami na mag-lunch. Ang sarap ng pagkain. Ang sarap ng buhay ng bumabakasyon. Hahaha.

L-R Dwin, Rogelio, Jane, Tsina, Apol, Silina
Super ganda!
Pandan Island
Fish Feeding
Kainan naaa!
After lunch, picture taking lang sandali tapos lumipat na kami ng Snake Island . Dito sa Snake Island , walang entrance fee.
Snake Island
Dumaan din kami sa Starfish Island. Dito naming nakita si Nemo. =) Ang dami nila at ang liliit. Hehehe.


Nemoooo!
Sa Pambato Reef na next stop namin, may entrance fee na 50php. Grabe. Medyo nakakatakot dito kasi sobrang lalim ng water. As in wala na ako makita underneath. Pero naman, around the area, ang gaganda ng corals. Ang lalaki pa, feeling ko may kaharian sa ilalim ng dagat.

Last stop namin ay sa Luli Island. Hindi na kami nagbayad ng entrance fee ditto kasi sabi ni Kuya pag picture taking lang at sandali lang, okay lang naman daw kahit hindi na magbayad ng entrance. Pinagpaalam na lang niya kami sa caretaker. Camera whoring lang kami dito.
Luli Island
Tinext ko lang si Kuya Danny na pabalik na kami ng wharf. Pagdating sa wharf, nandun na nga siya at naghihintay. Dumeretso na kami sa Aniceto. Pagdating sa pension house, tumawag kami sa Ka Lui para magpa-reserve. By 8.30pm yung reservation namin kaya naligo muna kami at nagpahinga. Pagdating namin sa Ka Lui, ang ganda ng ambiance. Kailangan din pala na iwanan ang slippers/shoes sa may entrance. Ang daming tao pagdating namin dun. Nagulat lang ako na ang menu lang pala nila ay yung set meal of the day at konting add-ons. Yung set meal nila is good for two lang. Ito yung pinakamahal naming meal sa trip na ito. Hehehehe. =)


2 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

N

August 09, 2010 Tsina 0 Comments

Kumusta ka na? Tatlong taon na nga ba mula nung huli tayong magkita? Ilang birthdays ko na ba ang pinalampas mo? Ilang Pasko at Bagong Taon ka na ba namin hindi kasama? Pati noong graduation ko, wala ka. Miss na miss na kita.

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Puerto Princesa is Love: Underground River

August 08, 2010 Tsina 0 Comments

Last August 1 – 3 ay nagpunta kami ng Puerto Princesa with Silina, Apol at ang napilit namin na si Dwin. Kami na mga girls ay last year pa nag-book during Cebu Pacific Piso Fare. Si Dwin naman na siguro ay sobrang burned-out na sa work ay nag-book days before the trip, and it costs him 4K. Grabe noh? Hahaha. Niloloko nga namin siya na kailangan ma-enjoy niya ang trip namin.

Ako dapat ang magpa-plano ng Palawan trip namin na ito. Pero sa Girltalk forum, na-meet ko si Jane na kasabay namin ang flight. Nag-decide kami na magsama na lang kami sa tour. Ang nakakatuwa nito, si Jane pala ay classmate ni Apple. Nabanggit niya sa akin nung in-add niya ako sa Facebook at nakita niya na may mutual friends kami. Small world, eh.
My classmate - Rea!
Sa Aniceto’s Pension kami nag-stay. Mura lang dun, 950php per night lang ang aircon room at good for 4 na. Pwede din gamitin yung kitchen nila for free. Dun kami nagbe-breakfast. Ang sarap ng feeling dun, sabi nga ni Dwin, ang sarap ng buhay probinsiya. Si Jane at si Ojie, the bf, ay sa Aniceto din nag-stay. Nauna sila sa amin sa Palawan kasi July 31 ang flight nila, kami eh August 1 pa. Pagdating namin sa Palawan nung August 1,nag-picture-picture muna kami sa airport, ang liit lang ng airport. At ang nakakatuwa lang nito, nakita ko sa airport si Rea Acoba, classmate ko ng elem at high school. O, di ba, hindi nga kami nagkikita sa Bulacan tapos sa Palawan pa kami nagkita? Hahaha.
Aniceto's Rates
Dumating kami ng Palawan ng around 10am na, instead of going to Aniceto as planned, dumiretso na kami ng Underground River. Nag-text na lang muna ako kay Ate Tess na after na lang ng Underground River namin kami mag-check in sa pension house.

Underground River

Mula sa airport, dumeretso na kami sa Underground River. For the six of us, nag-rent kami ng van for 3000php. Ang layo ng Sabang port, it took us around 3 hours. Kulitan mode lang kami sa byahe kasi inaasar namin si Dwin. At dahil puro work, work, work ang binabanggit niya, nag-dare kami na ang magbanggit ng anything related to work ay manlilibre ng ice cream. Unfortunately, ako yung natalo sa dare. Hahaha. Si Jane muna ang nagbayad ng permit namin na 150php/pax at ng boat na 718 php for 6 pax. Pagdating ng Sabang, may boat pa na nagtransfer sa amin sa mismong Underground River . Pinakita lang namin yung permit then off we go. Hindi nga pala namin solo yung boat.
L-R Jane, Apol, Tsina
Game na!
Pagpasok pa lang sa Underground River , mamamangha ka na. Ang laki niya, at ang gaganda ng mga rock formation. May cathedral pa nga na spot kasi may rock formation ng Holy Family, candle at Three Kings among others. May spot din na mga vegetables daw according to our very entertaining boatman. Sa totoo lang, habang lumalayo kami sa entrance, medyo eerie na yung feeling, ang laki-laki kasi nung cave tapos ang dilim-dilim. Ang nakakatuwa lang niyan eh bibo kid yung boatman namin. Ang daming kwento at ang daming jokes. Alam na alam din niya yung mga spots ng rock formation. Pero sabagay, 16 long years na din naman kasi siya na nag-ba-bangkero dun.


Pagkatapos ng aming Undergound River tour, bumalik na kami sa city. Hindi nga pala pwede mag-swimming sa area ng Underground River kasi marine sanctuary siya. Deretso na lang kami sa Aniceto. Nagbaba lang kami ng gamit at nag-ayus ng konti – as in konti lang talaga, tapos nag-ikot ikot na kami para humanap ng mapagme-meryendahan. Lakad lang kami ng lakad at nung medyo napagod na at wala pa ding nakikita na pwede namin kainan, nag-decide kami na mag-tricycle na. Nagpahatid kami sa Bilao at Palayok pero sarado pa. Ang mga restaurants sa Puerto Princesa ay may operating hours lang – lunchtime and dinnertime. Finally, open naman at that time ang Sari’s Baryo. For our meryenda, we ordered pansit at halo-halo. Okay naman, kakaiba yung halo-halo nila kasi merong pineapple, mansananas at nata de coco. Yun lang halos ang halo. In fairness, masarap naman. O masarap lang dahil gutom na kami? =)

Pagkatapos namin mag-meryenda, bumalik na kami sa Aniceto para magpahinga sandali. Nakakapagod kasi na deretso from airport eh bumiyahe na agad kami. At dahil may wifi sa Aniceto, FB FB muna. Hahaha. Nag-aasaran kami sa pagko-comment sa mga status namin.

Sa Kinabuch’s Bar and Grill kami nag-dinner. Medyo mabagal lang ang service pero masarap naman ang pagkain. Nag-order kami ng sinigang na baboy na super sarap ang sabaw at ng crispy pata. At syempre, hindi namin pinalampas ang tamilok. Gusto kasi ni Silina na i-try ang native food ng Palawan. Go naman kami ni Dwin kahit na nai-imagine ko pa lang, nandididiri na ako. Hahaha. Hmm. Siguro dahil hindi talaga ako mahilig sa mga exotic foods, hindi ko masyadong na-appreciate ang tamilok. Medyo malaki ang nakuha ko for our first try, nahirapan ako lunukin. Akala nga nila isusuka ko na, eh. Super slimy ang tamilok na may aftertaste ng lupa.
Aw. Tamilok!
Dapat pupunta pa kami sa Baywalk after ng dinner. Pero siguro sa pagod at sa intense tamilok adventure, nawala na sa isip namin yun. Deretso na kami sa Aniceto at natulog. Hahaha. Oo. Sarap kaya matulog. =)

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Basta Masaya Ako!

August 05, 2010 Tsina 0 Comments

Naisip ko lang puro pala lungkut-lungkutan ang laman ng blog ko. At naisip ko din, dahil medyo saktong happy ako, wala na ako maisulat. Hahaha. Hindi ko din alam. Minsan kasi, nahihirapan ako i-describe ang happiness ko. Baka hindi ko mabigyan ng justice. Ngayon, sakto lang naman ako. Hindi ako malungkot. Nalagpasan ko na ang pag-e-emote mode ko dahil sa ... dahil sa .. whatever. Hahaha.

Nakakatuwa din na may nagpapasaya sa akin nang hindi niya namamalayan na pinapasaya niya ako. Weird din naman kasi akong tao. Basta pag nakikita ko siya, okay na ako. Pag naririnig ko yung boses niya, napapa-smile na ako. Kanina nga, nakita ko siya na nakikipagtawanan with someone else, bigla ako nag-status sa Communicator namin ng "Possessive!". Weird nga ako. 

Pero basta masaya ako. Wala naman kasi masyado problema. Except sa mga biglaang gastos, broke pa din kasi ako hanggang ngayon. Okay na yun kasi wala naman nagkakasakit sa pamilya ko. Okay naman ang trabaho ko. Yung buhay ko ngayon, sakto lang, smooth sailing lang.

Minsan kasi, nakakatuwa lang na i-appreciate natin ung mga simpleng bagay sa buhay natin. Yung mga bagay na hindi natin agad-agad napapansin. Sa totoo lang kasi, ang daming good things in life nasa atin na yun kung anong level of appreciation ang kaya natin ibigay.

Basta ngayon, masaya ako. =)

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)