Stop, Ready, Go!

Iniisip ko, paano kung hindi na ako masaya sa kung nasaan man ako ngayon? Aalis ba ako para hanapin ang greater happiness or mananatili ako para hintayin ang pag-ayos ng mga bagay? Sabi ni Bo Sanchez, ang mga tao daw, merong comfort zone at courage zone. Hindi ko alam kung kaya ko na lumipat sa courage zone. Dito sa comfort zone, sanay na ako sa mga bagay-bagay sa paligid ko. Kabisado ko na kahit ang pag-ihip ng hangin. Kung pipiliin ko na lumipat sa courage zone, paano kung hindi ko makaya ang pressure? Paano kung hindi rin ako maging masaya sa paglipat ko?

Natatakot ako na umalis. Baka kasi phase lang ito. Paano kung psychological lang ito? Paano kung nadadala lang ako ng emosyon ko? Baka sa mga susunod na araw, okay na ako.

Alam mo yung feeling na gusto mo mag-try na matuto mag-bike for the first time pero natatakot ka na sumemplang? Ganung-ganun ang nararamdaman ko.

Kung aalis ako, paano na ang iba pang mga bagay na mahalaga din sa akin?

Ang hirap naman.

Sabi ng student teacher ko nung elementary ako, "You have lots of guts, cultivate it."



Itatanim ko na lang ang guts ko.

0 comments:

Post a Comment

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

 

About Me

My Photo
Hey, little stars, shine your brightest!

Follow by Email