Bingo!!

Hay. Umuulan na naman. Hindi ka naman pinapaalala ng ulan. Pero para niya akong tinutudyo. Pakiramdam ko, sa bawat tikatik ng ulan, inaasar niya ako. Tinatawanan niya ako dahil ngayon, wala ka na.

Hindi ko maikwento kahit kanino kung ano ba ang nangyari. At na-realize ko na ang hirap pala ng ganun. Ang bigat-bigat ng pakiramdam mo na parang mababaliw ka na pero wala ka masabihan. Hindi ko kasi kayang aminin kahit kanino na nagpakatanga ako para sa'yo. Kasi naman ang hirap naman yata i-kuwento sa ibang tao ang mga katangahan natin. Nakakahiya naman ng kaunti na parang wala akong natutunan sa past experiences ko. Syet, nakakahiya talaga!

Oo na. Gullible na ako. Kaya nga umiiwas ako sa mga tao na alam ko na lolokohin lang ako. At naman, isa pang realization, hindi pala ako good judge of character. Pumalpak ako sa’yo. Lahat na lang ng sinasabi mo, pinapaniwalaan ko. Muntik mo na ako mapaiyak. Wag mo ako titigan ng ganyan, nalulusaw ako. Nasisira ang defenses ko.

Kasalanan ko din naman. Ang yabang ko naman kasi for thinking na kaya kita matalo sa laro na na-master mo na yata. Ayun, ako natalo. Iniisip ko kung itutuloy ko pa ang game na ito, pwede pa naman ang re-match di ba? Kaya lang, baka lalo ako malulong sa’yo.

Game na ba ako para magpatalo sa'yo? Nauubos na din kasi ang pride ko. Saan ba makakabili ng pride ngayon? Buti pa ang Cebu Pacific, may seat sale, ang pride ba? Kailangan ko mag-hoard!!

Sige pa. Lakas pa, Ulan! Lunurin mo na ako.

8 comments:

  1. gemini ka din pala, happy bday!

    basta, set goals then have plans. ma-aachieve mo lahat ng gusto mo in time..

    A goal without a plan is just a wish. -- Little Prince

    ReplyDelete
  2. Hahaha. Mabuhay tayong mga Gemini. :p

    Ayus. Sige. Kung goals lang madami, yung plans (or yung steps para ma-achieve yung mga yun) kailangan ko na umpisahan.

    Thanks a bunch. :)

    ReplyDelete
  3. hayaan mong umulan para bumuo ng dagat. isa lang ibig sabihin nun. marami pang isda sa karagatan. inaantay kang hanapin ang para sayo.

    ReplyDelete
  4. niceeeeeee. darating din yun. very cliche. but i believe on this. :)

    ReplyDelete
  5. walang seat sale ang pride, pero yung sabong panlaba na pride makakabili ka ng 50% discount pag madami ang binili. loljk

    heniwei payong para sayo miss, baka magkasakit ka mahirap na. :D

    ReplyDelete
  6. hahaha. malay lang natin, meron ang pride.

    salamat sa payong. tamang-tama, nawala ang payong ko. :p

    ReplyDelete
  7. pagkatapos ng ulan me araw- mas maganda dahil fresh ang buong paligid,sarap ng simoy ng hangin--kaya lang wag magtagal sa ulan--baka masanay at mamiss ang bahaghari!

    ReplyDelete
  8. uiiii. tama ka jan, mayet!! tinigilan ko na ang pagbababad sa ulan -- so far! sana naman ay abutan ko ang bahaghari! thanks! =)

    ReplyDelete

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

 

About Me

My Photo
Hey, little stars, shine your brightest!

Follow by Email