See You in Paradise!

June 25, 2010 Tsina 0 Comments

Late blog entry na talaga ito. Busy kasi. Chos!
Mula sa planong mag-Bolinao, nauwi kami sa swimming sa Paradise Resort sa aming pinakamamahal na probinsiya. Kulitan sa emails regarding the details hanggang mapagkasunduan na sa June 19 ito ganapin. Kinabahan nga ako ng konti kasi baka treat ng mga June birthday celebrants eh broke pa ako sa broke. Hahaha. Buti na lang hindi. =)

Last June 19, Saturday, nauna na sa Paradise sina Cindy, Jayson, Nami, Cris, Lyndon, Gaile at Dhess. Samantalang kami naman nina Dhai at Cat na pare-parehong manggagaling sa Manila ay susunod na lang. Sa totoo lang, akala ko hindi kami makakasunod. Pagdating kasi namin ng MRT FX terminal, blockbuster ang pila. Hindi na talaga ako umaasa na makakasakay kami sa terminal na iyon kaya niyaya ko si Dhai na maghanap ng alternative. At voila, walang pila sa Trinoma MRT terminal. Ang swerte talaga namin. Hinintay pa namin si Cat dumating dahil nasa biyahe pa siya from Pasay. Ni-contact ko na din si Bien na paalis na kami ng Manila dahil dapat ay sabay kami na pupunta ng Paradise. Yun nga lang, umuwi muna siya sa kanila. Sabi ni Bien, paalis pa lang siya ng bahay nila, medyo matagal ang biyahe dun kaya nauna pa kami makarating ng Malolos. So after an hour nga, dumating kami ng Malolos Crossing. Dumaan muna kami sa 7 Eleven para bumili ng spoon and fork. Naghanap na din kami ng mabibilhan ng rice. Para sa share pa naming food, dumaan kami sa Goldilocks para sana bumili ng rolls. Sad to say, sarado na. Late na kasi nun.


Pagdating sa Paradise Resort, naabutan namin sila na nag-iihaw. Ang daming pagkain. May hotdogs, liempo litson kawali, chicken, tsitsirya, cake, tinapay at kung anu-ano pa. Ayus, hindi naman pala kami magugutom. Maya-maya lang, dumating na din si Bien. Nagkwentuhan lang habang kumakain, pagkatapos ay nag-decide na kami mag-swimming. At dahil wala naman ako balak na maglangoy-langoy, hindi ako nagdala ng extra na damit. Ngunit, subalit at datapwat, na-engganyo ako ng mga slides sa kiddie pool kaya napa-swimming. Ang cute lang. Buti na lang, may extra shorts si Dhess. Iyun na lang ang ginamit ko plus yung used shirt ko. Heheh. Pinaiwan ko na kay Cat yung towel niya dahil mas nauna siya umalis. Hindi kasi approved yung VL niya. Si Leo naman, hindi nakarating dahil biglang nag-change ng shift. Si Kristel naman, may prior commitment na. At si Jonathan naman ay nasa ibang bansa. Habang in-enjoy naman naming ang slides sa kiddie pool, dumating na pala si Dhenggay. May dalang San Mig Light.


Wala kaming ginawa buong magdamag kung hindi magkwentuhan nang magkwentuhan. Kapag napagod naman ay kakain nang kakain. Hahaha. Kahit hindi ako marunong lumangoy at mukhang hindi na ako matututong lumangoy, na-enjoy ko naman ang get together namin.


Around 5am, nag-decide na kami na umuwi. Medyo low energy na din ako ng mga oras na iyon dahil wala pa akong pahinga since the previous days. Pagdating sa bahay, deretso tulog na ang ginawa ko.


Hindi na kami mga bata. Maraming mga bagay na ang nagbago. Married na sina Cindy at Jayson, at getting there na sina Nami at Cris. Supervisor na si Cat. Kung saan-saan na din nakarating si Lyndon. May bago ng lovelife si Dhai. Seryoso na daw si Randy sa lovelife niya. Settled na sa work niya si Gaile. Matured na si Bien. Nagpa-plano mag-career shift si Dhess. At ako? Single pa din. Waaa! Lol. Pero kidding aside, nakakatuwa lang na yung friendship nandyan pa din. Change might be the only permanent thing. But I’m glad that friendship is one of the constant things.

*Ang blog entry title ay mula sa FB album name ni Nami

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Now Showing!!

June 22, 2010 Tsina 0 Comments

Gusto ko manood ng Karate Kid.

Showing na pala ang The Karate Kid. Parang gusto ko manood. Sabi ng friends ko, maganda daw. Nagandahan din yung officemates ko na nakanood na. Wala naman talaga ako hilig manood ng mga foreign movies. Mas inclined ako sa mga Pinoy movies. Oo na, jologs much. Naalala ko lang, tinawanan mo ako nung sinabi ko na wala pa ako napapanood na previous movies ng A Nightmare on the Elm Street. Tumawa ka din nung binanggit ko yung Noy habang namimili tayo ng papanoorin na movies, at in-enumerate ko yung mga options natin. Lahat ng showing na movies nung araw na iyon, hindi ko pa napapanood. Pero ikaw, more than half of them, napanood mo na.

Two weeks na halos. Nabura ko na yung number mo. Hindi na kita in-add sa Facebook. Pero alam mo, nami-miss pa din kita paminsan-minsan. Naaalala ko tuwing tinutukso kita na bagay ka sa Makati kasi mahilig ka sa nightlife. Ako kasi ayoko dun, hindi ako mahilig sa ganun. Mas gusto ko nasa bahay/apartment at nagbabasa ng libro o kaya naman ay nag-i-internet para mag-Facebook, at mag-forum. Okay din naman sa akin ang makipagkwentuhan lang o manood ng TV buong araw. Ganun lang naman ako, simple lang. Kung gaano ako ka-simple, ganun ka naman ka-kumplikado.

Nag-ping ako sa friend ko. Naka-away siya. Basta nag-ping pa din ako. Sabi ko, siguro kung may mga ilang bagay na hindi ko na hinayaang mangyari, mas okay tayo. Sabi ko pa, anong stage na kaya ako ng moving on? Blaming self?

Siguro, masyado ko lang pini-feed itong sadness na nararamdaman ko. Masyado siguro ako nag-i-internalize. Hindi naman ako artista. Pero alam ko, darating ang panahon na tatawanan ko ang araw na ito. Lahat ng mga pagkakataon na nagpakatanga tayo para sa isang tao, lahat iyon, tatawanan lang natin kapag matatanda na tayo.

Sa Saturday, baka manood kami ng Toy Story 3. At oo, hindi ko pa napapanood ang ibang Toy Story movies.


At wala ka na para asarin ako.

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Bingo!!

June 12, 2010 Tsina 8 Comments

Hay. Umuulan na naman. Hindi ka naman pinapaalala ng ulan. Pero para niya akong tinutudyo. Pakiramdam ko, sa bawat tikatik ng ulan, inaasar niya ako. Tinatawanan niya ako dahil ngayon, wala ka na.

Hindi ko maikwento kahit kanino kung ano ba ang nangyari. At na-realize ko na ang hirap pala ng ganun. Ang bigat-bigat ng pakiramdam mo na parang mababaliw ka na pero wala ka masabihan. Hindi ko kasi kayang aminin kahit kanino na nagpakatanga ako para sa'yo. Kasi naman ang hirap naman yata i-kuwento sa ibang tao ang mga katangahan natin. Nakakahiya naman ng kaunti na parang wala akong natutunan sa past experiences ko. Syet, nakakahiya talaga!

Oo na. Gullible na ako. Kaya nga umiiwas ako sa mga tao na alam ko na lolokohin lang ako. At naman, isa pang realization, hindi pala ako good judge of character. Pumalpak ako sa’yo. Lahat na lang ng sinasabi mo, pinapaniwalaan ko. Muntik mo na ako mapaiyak. Wag mo ako titigan ng ganyan, nalulusaw ako. Nasisira ang defenses ko.

Kasalanan ko din naman. Ang yabang ko naman kasi for thinking na kaya kita matalo sa laro na na-master mo na yata. Ayun, ako natalo. Iniisip ko kung itutuloy ko pa ang game na ito, pwede pa naman ang re-match di ba? Kaya lang, baka lalo ako malulong sa’yo.

Game na ba ako para magpatalo sa'yo? Nauubos na din kasi ang pride ko. Saan ba makakabili ng pride ngayon? Buti pa ang Cebu Pacific, may seat sale, ang pride ba? Kailangan ko mag-hoard!!

Sige pa. Lakas pa, Ulan! Lunurin mo na ako.

8 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

My 25th

June 08, 2010 Tsina 0 Comments

Pangatlong birthday blog entry ko na ito. Naubos na yata ang kuwento ko about birthdays. For today, wala naman akong birthday blues, birthday jitters lang. Hahaha. 

For two consecutive years, meron akong birthday jitters. Basta hindi lang ako makatulog the night before my birthday. Excitement kaya? Ewan ko lang. Hehehe.

Naalala ko nung nagkwento si Alvie about her friend na nagtatampo kapag hindi nila naalala yung birthday. Natatawa lang ako kasi ganun din ako. Nalulungkot ako ng konti kapag nakakalimutan ng mga friends ko na birthday ko. Masaya naman ako pag naaalala nila ang araw ko kahit pa naka-off yung Friendster and Facebook birthday reminders ko. 

Iniisip ko, 25 years na ako dito sa mundo, may enough na ba akong na-contribute sa society natin? Hindi ko alam. Hindi ako sigurado.

Iniisip ko kung may na-achieve na ba ako sa buhay ko. Nasa starting level pa lang ang career ko. Walang laman ang bank account ko. Hindi pa ako nakakapag-travel outside the country. At kung ikukumpara ako sa mga batchmates/friends, nasa level 1 pa lang siguro ako. Pero hindi ba, sa comparison nagsisimula ang unhappiness?

Alam ko na madami pa akong bagay na in-aim sa buhay. Pero in my 25 years, I realized na lahat naman pwede ko makuha, basta lang I’ll have to work hard for it. Proud ako sa mga bagay na ginawa ko to follow my dreams. Kahit hindi ako manalo sa Palanca, at least nag-try ako mag-submit ng entry. Kahit na walang laman ang bank account ko, the fact that I could support my brother’s education and my graduate studies is good enough for me. Kahit na hindi pa ako nakakapag-travel outside the country, at least nakakapag-travel ako sa Pilipinas with my closest friends. 

Ang dami ko pa gusto ma-achieve sa buhay ko, but I’m taking each step at a time. Sabi nga nila, life is not a race. Hindi naman talaga mahalaga kung sino ang mauuna, ang mahalaga ay kung paano ka nag-enjoy sa buhay mo. 

And for today, I’m planning to do something foolish. And I’m hoping to have fun! This is my birthday, after all.

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)