May Two Days Pa Ako!

“Pagdating ng panahon, magugulat ka na lang sa katotohanang ang pinakamasaya mong sandali sa buhay ay yung mga panahon na hindi mo masyadong nagamit ang utak mo.”
Hindi ko alam kung forwarded text message lang ba ito ni Mon or original niya. Pero tinamaan ako ng bongga. Sapul na sapul.

Ilang araw ka na ba wala? Ilang araw ko na ba tinititigan ang pangalan mo sa Office Communicator (OC) ko? Deactivated na nga ang profile mo pero hoping pa rin yata ako na bigla ka na lang mag-ping. Ang tanga lang.
Nag-ping ang friend ko. May balita daw siya tungkol sa’yo. Tinanong ko pa rin kung ano yun kahit alam na alam ko naman ang sasabihin niya. At ayun nga, umalis ka na daw. Sinabi ko kay friend na alam ko. Hindi ko na binanggit na sinabi mo sa akin yun two weeks ago na. Sinabi lang niya na naalala niya ako. Sabi niya, dati raw kasi, namumula ako ng dahil sa’yo.  Bigla kita na-miss.

Two years ago, nag-blog na ako tungkol sa’yo. Crush kita noon. Impressed kasi ako sa accent mo. Kinikilig ako sa smile mo. Pero two years ago na yun.


Noong hindi pa uso ang OC, madalas kita ka-email. Pinag-uusapan natin kahit mga bagay na wala naman kabagay-bagay talaga. Kahit ano lang, basta may mapag-usapan.


Noong mauso ang OC, medyo hindi na kita crush noon. Tagal na kita hindi nakakausap. Hindi na tayo nakakapag-email, hindi rin naman tayo nagtsa-chat sa OC. Lagi ka kasi busy, nahihiya ako kulitin ka. At marami na din naman ako ibang pinagkakaabalahan na.


More than a month ago, nag-ping ka. Kwento mode ka yata noon. Bigla mo ako niyaya lumabas. Nagulat ako. Unexpected. Parang ayoko. Hindi ko kasi alam kung paano kikilos with you around. Late ako dumating. Nakwento kasi ako sa officemate ko. Siguro, nagpapalipas lang ako ng kaba ko noon. Nung makita kita, nawala lahat ng kaba ko. Nung nag-smile ka, alam ko na agad na mag-e-enjoy ako na kasama ka.


Masaya ako na kasama kita. Ang komportable lang ng feeling. Gusto ko yung feeling of comfort and security.  Gusto ko yung tawanan. Pakiramdam ko, special ako. Yung level na parang ako lang ang babae sa mundo. Sinulat ko pa nga sa planner ko na “Thanks for all the blessings, Lord!” Ganun ako kasaya nun. Blessing ang tingin ko sa’yo.


Pagkatapos.. Natapos na ang kwento. Nalungkot ako. Naguluhan. Lahat na yata ng negative thoughts pumasok na sa isip ko. Pinagsabihan na ako ng friends ko na huwag ako masyado assuming. At dapat daw next time, alam ko na gagawin.


Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Oo nga, assuming nga kasi ako masyado.
Nag-ping ka na naman. Nangamusta ka lang. Sinabi mo din na nag-resign ka na. Shocked ako. Nalungkot. Everyone’s leaving. Pati ikaw.

Nadagdagan na naman ang laman ng memory bank ko. Naging masaya na naman ako for a while. Naguluhan na naman ako sa sitwasyon. At napatunayan ko na hindi na naman ako natuto.


Ambilis ng two weeks. Last day mo na. Hinintay ko na magpaalam ka sa akin. Feeling naman kasi ako masyado. Pero pauwi na ako, hindi ka pa nagpi-ping. Naka-quota yata ako ng pride sa’yo. Nag-ping ako. Sabi ko, ma-miss kita. Sabi mo, ma-miss mo din ako. Hindi ko na pinatulan yung mga sinabi mo. Nauna na ako umuwi ng araw na iyon.


Nung unang araw na wala ka, tinitigan ko yung pangalan mo sa OC, binasa ko yung mga conversations natin, hinanap ko yung mga lumang email exchanges natin. Nag-focus lang ako sa lahat ng positive sides ng friendship natin.


Five days ka ng wala. Nalulungkot pa din ako. Naiinis pa din ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil natuto ako mag-expect at mag-assume. Madami ako gusto itanong.  Gusto ko marinig sa bibig mo na wala naman tayong something. Oo, slow ako. Dapat nga obvious na, kasi five days na, hindi ka man lang nagte-text.


Sabi ko sa sarili ko, sige lang, maglungkut-lungkutan ka for one week. Feel the pain. Pero kailangan na matuto na ako this time.  Sabi nga ni LeAnn Rimes, “Shame on you if you fool me once, shame on me if you fool me twice.” Naka-dalawa ka. Bingo na ako pag tumatlo ka pa.


May two days pa ako para mag-emote.

2 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

 

About Me

My Photo
Hey, little stars, shine your brightest!

Follow by Email