Bohol is heaven. Cebu is bold.

Bohol is heaven. Yep. Nasa Bohol ako noong March 11 - 13 with my girlfriends - Jelai, Pam, Silina, Apol, Joy and Mona. We fly through Cebu Pacific. Ang aga ng flight namin noong March 11, 8am. Dahil excitement much kami, 5am kami nagkita-kita. By around 5.40am, pa-NAIA 3 na kami. I know. I know, excited nga, di ba? Hahah. Si Silina, deretso na sa airport. We're expecting na mauna si Silina sa amin pero sa wrong terminal siya ibinaba ng taxi. From there, deretso na kami to check-in our baggage. Then, opt we stay to wait for our flight. 
Oo. First time naming lahat ang mag-erplane. Hahah. Nakakatuwa lang ng kaunti kahit na delayed ang flight namin. Few minutes lang naman. So keri na. Pwede nang patawarin. Haha. By around 9.30am, dumating na kami ng Mactan Airport. Wala kami sundo from the airport to the ferry port. I think, napamahal kami sa taxi na na-hire namin. 500php for the 7 of us. Nagpahatid kami sa ferry port, and binaba niya kami sa Weesam terminal. Akala ko naman kasi katulad lang ng sa Galera na tabi-tabi lang yung ticketing booth, eh hindi naman pala. Ang next schedule ng Weesam is by 2pm pa. So, we bought the roundtrip tickets to Bohol na and paid the terminal fee, and off we went to SM Cebu.

Funny thing is, we ate in Greenwhich. We were teasing each other that we were in Cebu to eat in Greenwhich. Gutom na kasi kaya dun na lang kami kumain. By 1pm, nagpunta na kami sa Weesam terminal. We waited inside. At pagpasok namin sa ferry, wala naman masyadong difference ang first class at economy class aside from the fact na nasa upper deck yung first class. Bago dumating ng Bohol, tinext ko na si Kuya Tatsky. Nakipag-arrange na ako sa kanya to pick us up sa airport and for the Bohol tour kinabukasan. Si Kuya Melbert ang sumundo sa amin sa airport. Pagkahatid niya sa amin sa Dumaluan Resort, we paid the remaining amount for our accomodation. We initially deposited half of it na kasi. We stayed in 2 of their standard rooms. Kasama ko sa room sina Jelai at Pamela. Sa kabilang room naman yung iba.

Nag-ayos lang kami ng kaunti ng gamit then off we went to the DBR Grill to eat. Medyo gutom na kami. From there, tanaw na tanaw namin ang beach. Very inviting. Gusto ko na nga lumusong agad. We just need to eat first. Sobrang tagal ng service ng DBR Grill, madilim na ng ma-i-serve yung pagkain namin. After eating, deresto kami sa beach. walang pakialam kahit madilim na. Mukha namang safe maglangoy, and the good thing is may mga light posts naman. Ang sarap mag-swimming.

Na-enioy ko yung beach kahit na hindi naman ako marunong lumangoy. Hahaha. At super fine ng sand. Hindi ko pwede i-compare sa Boracay dahil hindi pa ako napupunta dun. Pero I love the powdery sand of Panglao. To compare it with Potipot in Zambales, way better ang white sand ng Panglao. The downside though is medyo madaming seeweeds.

Bohol 

On the next day, March 12, nagpasundo kami ng 8am kay Kuya Melbert para sa Bohol tour namin. Ang first destination namin dapat is the Chocolate Hills since iyon yun pinakamalayo. Pero nag-stop over muna kami sa Tarsier. Nakipag-meet and greet with the tarsiers kami, meron ding monkey at flying lemur. At ako naman, puro mga smile na takot ang makikita sa pictures ko posing with the tarsiers. Ang korni ko. Hahah.

Then, off we go to Chocolate Hills. Sabi ni Kuya Melbert, from Dumaluan Resort, around 1 hour and 45 minutes ang biyahe. Super excited kami going there, imagine, yung nakikita ko lang sa postcard dati, makikita ko na talaga up front. Pagdating sa Chocolate Hills, we paid 50php. Sabi ni Kuya Melbert, yun na daw ang pinakamahal na entrance fee sa mga pupuntahan namin. After paying our entrance fee, inakyat na namin ang 214 steps going to the top. I couldn't remember if it's really 214 steps. But it's more than 200 steps, I'm sure on that. Si Mona, may fear of heights pala kaya nakakapit lang siya kay Joy habang umaakyat kami. Once we're on top, picture-picture na. may mga lumapit sa amin to have our picture taken with a broom, but we declined. 

Pagkatapos namin na makapanggaling sa Chocolate Hills, nagpunta naman kami s Butterfly sanctuary. May entrance fee din na 20php. Meron nag-tour sa amin around the sanctuary. And we had our picture taken with the butterflies. Nakakatuwa yung mga butterflies, may mga ilan na gustong-gusto na magpa-picture at ayaw na talaga umalis sa pagkakadapo sa amin. Yung iba naman, kakalagay pa lang ni Kuya, lumilipad na. At eto pa, meron pala na gay butterflies. Pero yun nga, kung sa tao nga may in betweens, sa butterflies pa kaya. At bongga, tinikman namin ang Madame Butterflies Natural Ice Cream, sobrang sarap. Worth it naman ang 30php kahit na kasinlaki lang siya ng tipikal na ice candy. Ang sarap, eh. Sinabi ko na bang masarap? Masarap talaga. Makakalimutan mo ang pangalan mo. Lol. 
Kahit gutom na gutom na kami, nagpunta kami sa Hanging Bridge bago dumeretso sa Loboc River Cruise. Naman. Pangarap ko na maka-cross sa hanging bridge, eh. Hahaha. May entrance pa din, 10php. Dalawa yung hanging bridge dun, for entrance and for exit. Nakita ko nga si Buko King, pero hindi ko na siya nakita na magpakitang-gilas. Siya yung madalas ma-feature sa TV dati na kaya magbukas ng buko using his teeth. 
Yung hanging bridge nila is unlike sa mga nakikita ko sa mga movies. Yung tatapakan mo ay gawa sa kawayan. Sa mga movies kasi, gawa pa din sa woods, di ba?

Since super gutom na kami because we only had biscuits in the morning, we're planning to enjoy the buffet in Loboc River Cruise. We paid 350php kaya we're expecting na bonggang lunch. Pero hindi naman pala ganun. Simpleng pagkain lang. Although, buffet nga. I think, what we are paying is the experience nga. Sabi ko nga kay Mona, first time ko ang ganung experience. Okay na din. Plus points na din na someone is serenading us while we eat. 

After our lunch, we went to visit Prony the Phyton. I think they're boasting na ito ang longest in captivity. May entrance fee din dito na 10php. Pagdating namin dun, tulog si Prony. Sa loob ng cage niya ang dami na nagpapa-picture. Nakakatawa lang na kahit yung mga malalaking lalaki ay natatakot na masyadong tumabi kay Prony. Sabagay, sa laki ba naman niya. Pero si Manang na caretaker, cool na cool lang sa loob ng cage. 
Nagpunta din kami sa Baclayon Church. Nabasa ko na sa mga travel blogs before na bawal daw ang sleeveless dito kaya nagdala kami ng jackets namin. Hindi ko naman alam na may dress code naman pala. At mahigpit sila sa mga dress codes nila. Si Joy kasi naka-shorts lang, binigyan siya ng wrap around bago pumasok ng church. Tapos si Mona, pinasuot sa kanya yung suot niyang jacket. Nung tiningnan namin yung dress codes nila, grabe, halos lahat bawal. Bawal ang leggings, bawal ang skinny jeans, capri pants, sleeveless, atbp. Although, I'm not sure kung gaano talaga sila kahigpit. Naka-denim skirt kasi ako nung pumunta kami dun. Tiningnan ako nung babae dun, malamang iniisip kung pagsasabihanm ako or hahayaan na lang ako pumasok. She chose the latter. 
Dinala na kami ni Kuya Melbert sa Aproniana Gift Shop. Mura daw ang pasalubong. Kaya ayun, namili na kami ng mga ipapasalubong sa family, friends and officemates. Lahat na yata ng pwede na ipasalubong from Bohol, nandun na yata.

Last stop namin ay ang place ng Blood Compact. Pagkatapos namin na magpicture-picture sandali, hinatid na kami ni Kuya para bumalik sa resort at magtampisaw. 

Nauna na kami nina Jelai at Pam na magtampisaw sa clear water ng Panglao. We realized early on na yung white sand sa bahagi ng shore na pinagstay-an namin the night before ay naging parang cemented. Ang galing. Namangha talaga ako dito. Nag-enjoy lang kami sa paliligo nina Jelai. Mahina lang ang waves. Very relaxing ang atmosphere. Sabi ko nga kay Jelai, pag may chance ulit, gusto ko bumalik dito.

By dinnertime, sa may Bahay Kubo na lang kami kumain. Maiba naman. At ang tagal kasi ng service dun sa DBR Grill. Inusisa na rin namin si Manang kung magkano ang rent dun. Sabi niya sa amin, 1k per nipa hut daw na good for 4. Ayus sana, kaya lang common CR. But still, they are sharing the same white sand and crystal clear water, so who cares? I'd love to be back there kahit pa sa Dumaluan or sa Bahay Kubo ako mag-stay.

Cebu

Very early kami nung March 13, medyo nahihiya nga ako kay Kuya Melbert kasi 5.30am kami nagpasundo. Yung ticket namin bound to Cebu is 7am. Dumating naman si Kuya on time. Buti na lang. Pagdating sa ferry port, tinext ko na si Kuya Andre. Siya yung binigay sa amin ni Kuya Danny para mag-tour sa amin sa Cebu. Nag-worry nga ako for awhile kasi nung tinext ko siya the night before, ang reply lang niya sa mga txt ko ay "K tnx". Akala ko, hindi siya marunong mag-Tagalog. Okay naman pala. Ang rate sa kanya ay 300php/hour. Sabi namin kay Kuya, gusto namin mag-Skywalk. Unahin muna daw namin yung mga malalapit sa ferry port.

First stop namin ay ang Fort San Pedro. May entrance fee dito na 30php at 15php na parking fee. Para siyang Intramuros lang din. Nakakatawa lang dahil may nakita kami na wishing well, at naghagis kami ng piso to have our wishes granted. Naglolokohan pa kami na pag hindi na-shoot yung piso, hindi matutupad ang wishes namin.

Then, dinala na kami ni Kuya sa Magellan's Cross. Akala ko, malaking lugar ang location nito. Yun pala, nasa city siya mismo. Ang daming bata around the area. And may mga ale din na nagbebenta ng kandila. Pumasok kami ng Basilica del Sto. Nino after. We stayed for few minutes then left. 
Sabi namin kay Kuya Andre, gusto namin bumili ng mga danggit for pasalubong. Dinala niya kami sa Tabo-an Market. Sa stall nina Nino and Christie kami namili ng mga dried products. Bumili ako ng dried pusit at danggit. Bumili na rin ako dito ng otap at dried mangoes.

Finally, nagpahatid na kami sa Crowne Regency Hotel para sa aming Skywalk Adventure. Pagdating namin sa susyal na hotel na ito, tinanung namin kung saan yung Skywalk Adventure. Sabi sa amin, proceed daw kami sa 19th flr. Doon na kami bumili ng tickets namin. We are hoping to avail the 650php package yung may buffet meal yun pala dinner lang yun. Ang nangyari, in-avail na lang namin yung Skywalk Adventure and Edge Coaster for 600php na may free snacks. Si Mona, yung Skywalk Adventure lang ang ni-try. Then, off we go to the 38th flr. Inuna na namin yung Edge Coaster. Grabe. Dalawahan ito. Partner kami ni Silina dito. Sina Apol at Joy, Jelai at Pam naman ang partners. Sabay-sabay kami na naupo sa Edge Coaster. Pero sina Joy ang nauna followed by Jelai and Pam. Last kami ni Silina. Sabi ko kay Kuya, wag masyado i-tilt. Tinuro niya sa amin yung control para hindi siya masyado naka-tilt. When it was our turned. sigaw ako ng bongga. Sabi ni Silina, tingnan ko na lang daw ang sea at mountains para mawala kaba ko. Pero hello, todo sigaw pa din ako. At habang natatakot ako, si Kuya the photographer naman, pa-ismayl pa sa amin para sa pictures. Di ba bongga habang takot na takot ka may picture on the side? Hahaha.Binibiro ko lang si Silina nung una, sabi ko, nanginginig na ako sa takot. Maya-maya nung naka-tilt na kami naramdaman ko nga yung tuhod ko na nanginig na talaga. Tawa nga kami ng tawa ni Silina kasi hindi ko ma-control yung tuhod ko. In-avail namin ni Silina yung print out ng pictures namin. Tig-isa kami. Ang isang print ng picture costs 230php. Ang mahal. Hahah.

Pagkatapos namin na makuha ang pictures at ang certificates namin, pumunta na kami sa 37th flr para sa Skywalk Adventure. Pagdating dun, ni-brief kami sandali. Sinuot na namin yung jump suit and yung mga naka-tsinelas ay bumili ng medyas na worth 20php to use it with their provided rubber shoes. Si Joy yung una sa line namin, folllowed by Silina, then ako, then Mona na may fear of heights, then Pam and finally, Jelai. Nung simula, medyo natatakot din ako, hindi ko alam kung bakit. Baka naman nakakahawa ang fear of heights. I dunno, basta nung simula kinakabahan din ako. After few minutes, medyo na-relaks na ako. Si Mona naman, inaalalayan ni Kuya all through out. At least, natapos niya ang adventure. Bravo, Mona! At medyo natuwa kami sa mga pictures kaya in-avail namin ang CD burn na worth 1530php na tumataginting. Pinakamahal na yata na CD burn na alam ko. Grabe.
Nagpahatid na kami kay Kuya sa CnT Lechon. Dapat sa Sutukil kaso malayo daw sa airport eh gagahulin na kami sa time. Nag-order kami ng isang kilo ng lechon which is worth 360php then sampung kanin, yung puso. Kanin yun na nakabalot na parang suman. The bad things is, malamig na yung puso kaya uber tigas. Naging sentro tuloy ng tawanan hanggang sa airport.

Tumambay lang kami sa airport habang naghihintay ng flight namin. Dahil hindi ako maka-connect sa wifi, hiniram ko muna yung camera nina Silina at Apol para makita yung pictures namin. Then, bigla nila na-realize na wala pa lang nag-claim ng mamahaling CD from our Skywalk adventure. Panic mode na kami, ang mahal yata nun. Si Joy na ang nag-contact sa kanila and proposed na i-send sa email yung pictures namin. By Sunday, ni-update kami ni Joy na nasa kanya na yung pictures. Yehey!
Total Expenses: 5711.68php + Skywalk Adventure shirt + picture print outs in Skywalk Adventure + Food + Few bucks on pasalubong


I love this Cebu - Bohol trip. Enjoyed it very much with my travel buddies. I so love the powdery sand and the clear blue water. Very relaxing. Ang sarap lang na mahiga sa white sand. It drives all the worries away.

Babalik ako dito. :D

Contact Numbers:


Dumaluan Resort - 09228347481
Kuya Tatsky (Bohol) - 09157945556
Kuya Danny (Cebu) - 09193753071



** Updated with pictures

8 comments:

  1. cant agree more: Bohol is usper realxing! compliments with the boldness of Cebu.

    ReplyDelete
  2. Wow! Very comprehensive!.. Sana makapunta na rin ako dun. :)

    ReplyDelete
  3. Weekend Haven - Yeah, right. :) Sarap lang ng laid back bakasyon dun.

    Mariel - Naku, you have to visit Bohol. Dun ka sa part ng Dumaluan for a peaceful vacation. :)

    ReplyDelete
  4. HAHA! I agree. Pero yung mga sumunod ko naman na travel entries, nag-improve na. HAHA. Thanks though. :D

    ReplyDelete
  5. Yikes ang laki nga talaga ni Prony and the only thing I have noticed, madalas matulog si Prony when picture taking with the tourist. hahaha! napansin ko kasi sa ibang reviews, tulog din siya. Lol. camera shy ata eh? hehehe.

    But all in all, great post and review! Gusto ko rin makarating dyan with my family!

    ReplyDelete

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

 

About Me

My Photo
Hey, little stars, shine your brightest!

Follow by Email