Reunion, Baler and so this is Christmas!

December 30, 2009 Tsina 0 Comments

Napaka-hectic ng sked ko. Grabe. But to start off, by Dec 18, final na may bonggang-bonggang bakasyon ako. Lol. So, due to this vacation, I'll be back to work by January 4, 2010 na. Ang saaayyyaaa!

Inayos namin nina LeeAnn ang aming elementary reunion. Medyo sumakit ng bongga ang ulo ko, hindi kasi nagre-reply ang iba naming classmates despite the fact na todo kulit na ako sa text. By Dec 24, nag-house hunting kami. Nagkita kami kina Ralph Libiran with Joan, Peter and Christian. At bongga si Ralph, after 11 years, matangkad na siya at may masel-masel na. Haha. Niyaya din namin si Ralph na samahan kami na maglibot. Inikot namin ang buong Sto. Rosario, nagpunta kami kina Iam, Roxanne, Jem, Charn, Rusette at Angelica. At ang saya-saya, wala sila sa mga bahay-bahay nila. Nung nagpunta naman kami kina Angel, hindi raw siya pwede sa reunion. Sad. Oo, sad dahil at that moment, feeling ko wala masyado a-attend sa reunion namin. Pagkagaling namin kina Angelica, nagpunta kami nina LeeAnn at Joan kina Mam Cruz, kaya lang, wala siya sa bahay nila. Nag-iwan na lang kami ng contact number. Nag-ikot-ikot na lang kami ni Joan sa bayan, at nag-halo-halo sa Chowking.


On the 26th, maaga pa lang nagkita na kami ni Joan, dumaan muna kami ng Uniwide kasi kailangan ko bumili ng toiletries for my trip in Baler. Dumaan na din kami ng Goldilocks at bumili ng dalawang braso de mercedes para token sa tita nina Raprap na venue ng party, at kay Mam Cruz. After buying the rolls, nagpa-deretso na kami sa Chowking kung saan naghihintay ang iba pa. Nandun na sina Jaybie, Jaime, Antonio, Wilson, Peter, Roberto, Christian, Karen, Daisy, at hinintay lang namin sandali si Andren. Nag-text si Rap na nasa kanila na si Rea, at si Rea na din ang sumundo sa amin sa St. James in Plaridel. During the party, dumating din sina Earvin Joy, Beverly, Jemarie, Myca, LeeDon, LeeAnn, Joy at Ralph. At bonggang-bongga lang na nakauwi na ako ng 1.30am of the 27th. Todo videoke sila, hindi na ako kumanta kasi baka bumagyo. Haha. Inuman galore din ng Red Horse at The Bar, imagine. Ang lakas uminom ng mga tao. Ay, pati pala ako. Hahah! In general, successful naman ang reunion namin!
Yey, VI-LIC!
Since by 1.30am na ako nakadating ng house, hindi na ako natulog dahil by 4am kami mag-meet nina Meri, Roma, Raisa at Diane. I just packed my things at nag-internet muna ako. By past 4am, nagkita-kita kami sa Malolos Crossing, hinatid kami ng parents nina Meri sa Plaridel. Sumakay kami ng bus, at this time, mahilo-hilo na ako ng bongga sa antok at pagod. Pagdating ng Cabanatuan, nag-van na lang kami to reach Baler, Aurora. At grabe, ang Baler ay mabangin. Kahit naiidlip-idlip ako, nagigising ako at the right moment para ma-witness ang mga nakakatakot na part ng byahe. Grabe, as in grabe talaga, mabangin kung mabangin. Iniisip ko pa lang, natatakot na ako. Feeling ko nga, pang-isahan lang ang road dun. May mga parts din ng Aurora ang walang signal. By 12nn, nakarating kami sa Baler, at nag-trike kami going to Kahea's Lodge.Dun kami for our duration of stay in Baler. At wala ng pahi-pahinga, binaba lang namin ang mga gamit namin and off we go to explore the place. We dropped by Trezzo for our lunch, but unfortunately, sarado. Ito ang sumira ng itinerary namin. Haha. Sa Bay's Inn kami nag-lunch, at ang masasabi ko lang, bad service. More than 30 minutes kami naghintay for our food to be served at kinailangan pa talaga namin na mag-follow up. Mainit na nga ulo ng mga tao and we promised ourselves na hindi na kami kakain dun. As in. After that, we went to Baler Church. sarado. I wonder why, hindi naman kasi usually sarado mga church. By 3.30pm-4pm daw may mass, so nagpunta muna kami sa Museo de Baler, at dyaraaaannnn, sarado din. Sunday kasi, we went back to Baler Church and stayed for few minutes.
We decided to start exploring Baler. Nag-rent kami ng tricycle to go around the place, we went to Cemento Beach, Cobra Reef and Ermita Hill. Angggg ganda, in fairness.
Diane and Raisa
On the 28th, we went to San Luis, nag-rent ulit kami ng tricycle. San Luis is part of Aurora. We went to Pimental Falls, at ang clear ng water. Uber. Pagdating namin dun, isang family pa lang yung nandun, parang solo namin yung place. Tampisaw to the max. Nag-suggest si Roma na mag-ihaw kami for lunch so umalis siya to buy fish and hotdogs.
Pimentel Falls
After that, we decided to leave the place dahil may isa pa raw kaming falls na pupuntahan. Sabi ni kuya, may hike daw. Go naman kami, sobrang mabato yung place kaya nabutas yung gulong ng trike. At yung inakala namin na simpleng hike, eh bonggang hike naman pala. Nakakapagod. Sobrang mabato talaga, at may mga tinawid pa kaming mga katubigan. Halos nasa Mother Falls na kami nung inakala namin na walang daan sa way na tinatahak namin, so we decided na tumalon from where we are, at plano namin na dumaan sa mga batuhan. Actually, hindi kami masyado confident sa gagawin namin dahil madulas ang mga bato. Bago makababa sina Raisa at Meri, may dumating na tatlong tao na papunta rin sa Mother Falls, we asked them at tinuro nila sa amin yung way. So we went back, at meron nga pala sa gilid. Pagdating namin sa mismong place, isa lang masasabi namin, wow. Ang ganda ng place at ang taas ng falls. Sobrang enchanting at mysterious ng place. Sabi nga ni Roma, parang may mga elements na nagbabantay sa paligid.

Pauwi na kami ng dinaan kami ni kuya sa dam, I forgot to ask kung anong dam ito. Akala namin, carry lang ang water dahil madaming mga bata ang naglalangoy. Since hindi kami marunong lumangoy, nag-rent na lang kami ng dalawang salbabida. Pagkatapos nun, nalaman namin na bongga pala ang lalim ng tubig, ginawa lang namin na manual rubber boat yung salbabida. By dinner time, nag-try kami maghanap sa bayan ng Baler. We dined in Gerry Shan's. Masarap. Masarap. Masarap. Kumain kami ng bonggang-bongga. At may wifi, panalo! Habang nagke-kwentuhan, napag-usapan namin ang trip to Mother Falls, sabi nila, parang may divine intervention daw, kasi may dumating na mga tao before we do the risky part. Medyo kinilabutan lang kami kasi naisip nga namin na napaka-imposible naman na may kasunod kami na mga tao ng hindi namin namamalayan. But it could be a coincidence, but thank God, we're safe! Si Diane naman, nanakot pa, may nakita raw siyang babae the night before sa room na tinutuluyan namin. Grr. At napunta na usapan namin sa 3am thing na hindi ko na pina-explain kung ano man yun. Ayoko yata malaman. Talagang takutan mode kami nun. Haha. Pagdating sa cottage, nag-inuman din kami sandali bago matulog.

On the 29th, nag-try mag-surfing sina Roma at Diane, dahil medyo antok pa ako, hindi agad ako bumangon ng nagyaya sila. Parang enjoy na enjoy sila mag-try ng surfing so I joined them. And I failed big time. Tinamaan yung ilong ko ng surf board, ano ba iyan, pango na nga ako, eh. Haha. At one time, muntik na ako malunod, grabe kasi ang waves, at yung surfboard nakatali sa isang paa ko, since hindi ako maka-balance, nalalglag ako sa surf board, pagdating ng waves, hindi agad ako nakabangon at nasabit din sa tali yung isa kong paa. Akala ko, katapusan ko na. Or maybe I'm just exaggerating. Haha. By lunch time, nag-checkout na kami at dumaan sa Pasalubong Center. We bought shirts, accesories, coco jams and table runners. Grabe, ang tagal ng biyahe namin going home - from 3pm to 10pm. Nagdinner na lang ako sa Sizzling along the Riles bago umuwi.


Ang hectic ng sked. Pero in-enjoy ko lang ang bawat pagkakataon. By January 2010, back to work ulit. On January 2, may isa pa akong reunion - Peys. Kwento na lang after. Heheh!


Ito pala yung breakdown of expenses namin:

Aircon Bus (Plaridel - Cabanatuan) - 120php
Aircon Van (Cabanatuan - Baler) - 220php
Kahea's Lodge (1000/5pax) - 200php/night

Going Home:
Aircon Van (Baler - Cabanatuan) - 220php

Aircon Bus (Cabanatuan - Baler) - 120php
Tricycle Fare - 10php

Rent of Tricycle for a day - 300php

On our first day, we gave 250php, on the second day, we gave 400php since nabutasan ng gulong yung tricycle. All in all, I spent 1,800 php which includes transpo, food and accomodation plus few bucks on pasalubong. Haha.


Cebu naman sa March! :D


***
Thanks Meri, Diane and Raisa for the pictures!

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

December

December 16, 2009 Tsina 1 Comments

I am 24. And I don't know why it worries me. The reason of our existence in this world is providing the constant lull in the corporate design of the Master.

Sometimes, I think, I am at the edge of the cliff, waiting to fall any minute. Yet, I am holding my other foot in place, tightly nailed to the ground.Life is unfair. But I am so used to it.


When I see the stars in a night sky, I feel the desire to glow in the midst of darkness. But how many times have I considered the madness of the idea? I lost counts.


When I was a kid, I told myself, that I am going to reach for the sky. But I keep on faltering. I keep being thrown in the ground. Yet, I keep on picking myself up. It is always a challenge to see myself grabbing the edge of my dreams. It strengthens me. The feeling that I am 'almost there' pushes me to strive harder, and win. After all, I am a fighter, and a good one.


But like any other fighter, I am badly bruised. Soiled. My soul is echoing the distant cry, the call that I have so long ignored.


When I said that I don't know why being 24 worries me, I am lying. I fully know how the number is constantly reminding me of all the obstacles in the past that seems to extends in the present. Everything seems so far away. I could hardly see the light at the end of the tunnel. And being badly bruised as I am, I couldn't find the right pain reliever anymore. It is starting to get into my senses. And yes, I am so afraid.


Why does being 24 bothers me? I love the independence. I love the smell of the cold winds. But I am getting burned by the fire of the sun. What have I got after all these years? What have I proven after all my battles? I am not sure. The uncertainties are killing me.


I am 24. And this, they call, is the Quarter Life Crisis.

1 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Galit ako sa'yo..

November 15, 2009 Tsina 0 Comments

Hindi kita masyadong nami-miss. Iniisip ko kung dahil nasanay na ba ako na wala ka or wala lang talaga akong kwentang tao? Kapag tinatanong ako kung ano gagawin ko kapag nakita kita, hindi ako sumasagot. Kasi hindi ko naman talaga alam ang gagawin ko. Galit ako sa'yo. Kasi sinira mo ang lahat ng bagay na natitira sa atin. Galit ako sa'yo. Kasi hindi mo man lang ako namis nung nawala ka. Galit ako sa'yo. Kasi hindi kami ang pinili mo.

Ilang taon na ba tayo hindi nagkikita? Alam mo ba na galit ako sa'yo kaya kahit isang text man lang wala ako natatanggap? Hindi naman ako nagbago ng numero. Wala man lang kahit isang Happy Birthday. Alam mo pa kaya kung kailan ang birthday ko?

Kapag nakakapanood ako sa tv ng mga bagay na nagpapaalala sayo, iniisip ko kung bakit hindi ka na lang naging tulad nila. Ayos naman tayo dati, di ba? Alam ko, hindi tayo masyadong close. Sabi mo pa nga, bato kasi ako. Walang emosyon. Siguro kasi, bata pa lang ako, natanggap ko na hindi ako ang paborito mo. Hindi kasi ako sweet, matigas ang ulo ko, hindi kita sinusunod. Pero kahit ganun naman ako, alam mo naman siguro na mahal kita?

Namimis na kita. Namimis ko na kapag pinagluluto mo ako. Namimis ko na kapag ginigising mo ako tuwing umaga. Namimis ko na kapag nagagalit ka sa akin tuwing hindi ako umuuwi ng maaga. Namimis na kita. Pero, ako kaya namimis mo?
Kung naging mabait ba ako, masunurin, at sweet, hindi ka ba sana aalis? Kung pinigilan ba kita, nagpapigil ka kaya?

Sana nandito ka ngayon.

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Is-blog

August 29, 2009 Tsina 0 Comments

Try ko lang mag-blog gamit ang opera mini sa telepono ko. :)

It's been a while since my last entry. Ni wala akong kwento about my first anniversary sa company, or dun sa out of town trip namin nina Jelai at Paula. Aba, masyado ba akong busy? Uninspired?

July 28, 2009
Isang taon na kami. Kami na mga ka-batch ko sa aming work. At ang matagal-tagal na ni-planong dinner ay nag-worry ako na baka hindi matuloy. Yung iba kasi, tentative, yung iba naman, ndi nagpaparamdam. Buti na lang, on the day itself, marami naman ang nagpunta. Nag-dinner lang kami sa malaking mall (read: Pioneer) at pagkatapos ay nagkwentuhan nang nagkwentuhan nang nagkwentuhan.

July 31, 2009
Ang pinagplanuhan naming Potipot trip ay hindi na drawing lang. At nag-leave talaga kami ng araw na ito para lang matuloy, heheh. Ang haba ng byahe, grabe. Sa papunta pa lang, halos 6hrs kami sa bus patungong Zambales. Finally, nakarating kami and stayed on Sun Bloom resort. Ang bait nina Nanay Mercy. Inalagaan talaga kami dun, at ang sarap niya magluto, in fairness. Yung resort, beach front mismo, kaya lang, maitim yung sand. Para makarating kami sa Potipot mismo, kailangan namin na mag-bangka pa. And heavens, ang ganda ng place. Maliit lang yung island. Pero nung nakita ko ung bluish water, ung white sand, naisip ko, it's worth the long trip.

Ang next stop namin ay this coming October. Hindi pa sure kung sa Anawangin ba or sa Aurora (Dinadiawan). Planning stage pa lang. Sana matuloy. Sa November with classmates, sa Bolinao, Pangasinan ang initial plan namin. Sana madami sumama para masaya.

Birthday wishes
Yung huli kong blog entry, nung birthday ko pa, at sa tatlong birthday wishes, isa na yung sure na hindi ko makukuha - 1 down, 2 to go. Sana makuha ko. Sana manalo ako. Malalaman next week kung good news ba, or another set of bad news.

In general, masaya naman ako. Kahit I got this bad news this August, inisip ko na lang, baka hindi para sa akin yun. Ohwell, some things are not meant to be. I know, meron greater gift na inihahanda sa akin si Lord. :)

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Birthday ko. :)

June 09, 2009 Tsina 4 Comments

Birthday.



Status sa Facebook: Sheena dela Cruz ay tenk yu ng tenk yu. :)

Sunday night. Hindi ako makatulog, hindi ko alam kung hinihintay ko lang ba talaga ang birthday ko o hindi talaga ako antukin dahil nagtulog lang ako pagkatapos ko mag-dvd marathon. When clock ticked 12mn, surprisingly, tinext ako ni friend. I didn’t expect na maaalala niya ang birthday ko, considering na alam ko na makakalimutin yun sa dates. Yet, I’m really glad. Interestingly enough, after receiving the message, nakatulog ako.

Pagdating ko sa opis, hindi naman ako nag-e-expect na maalala ng opismates ko na bertdey ko. And been glad when I received email greetings from various people.


I ordered Pizza para sa mga ka-team ko, and they bought me ice cream. Maaga pa lang, nagpaalam na ako na uuwi ako ng maaga. Mag-di-dinner kami ng mga friends/classmates ko sa Pioneer. At 7pm, kumpleto naman ang mga invited – Jelai, Bing, Zeus, EA, Lester, Kath, Ronald, Mark, Paula at Grace. Nag-dinner kami sa Shakey’s. Waw. Pizza sa merienda, pizza sa dinner. Hahaha! At may dala silang gift – cake from Red Ribbon. Si Zeus, may dala din na cake from Goldilocks. Hahah! Bongga!

Pinadala namin kay Bing yung Red Ribbon na cake para i-merienda namin today. At inuwi ko naman ang Goldilocks na kinain ko ang slice for breakfast.
Nakakatuwa lang yung mga nakaalala ng birthday ko. Some people even said na ‘Kala mo, nakalimutan ko birthday mo, noh?” Some people I didn’t really expect to remember. Some people, I thought would remember, but perhaps, naging busy lang. Or baka hindi na ako bahagi ng buhay niya. Sad but true.

Birthdays. Masaya pa din mag-celebrate ng birthdays. Lalo na kung kasama ang mga taong bahagi ng buhay mo. Minsan, alam natin na hindi lahat ng bagay at tao ay mananatili sa mga buhay natin. May mga taong darating, aalis, at mga taong sadyang napadaan lang.


Tinanung ako ng Team Lead ko kung ano birthday wish ko. Sabi ko, secret. Todo ngiti.



Pero nung tinanung niya ako, isang salita lang pumasok sa utak ko. September.



Sana makuha ko yung tatlong wishes ko sa September.


Sana. :)

4 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

mga larawan

February 21, 2009 Tsina 0 Comments

02.13.2009

02.20.2009



0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

This is the day

January 28, 2009 Tsina 0 Comments

Regular na ako.

Pinag-isipan ko talaga kung mag-ba-blog ba ako ngayon. Iniisip ko na wala namang espesyal na nangyari. Ngunit, subalit, datapwat,happy ako dahil regular na ako sa aking current job. Congrats sa atin, Jelai! :) Despite the global financial crisis, we have survived. Sana magbilang pa tayo ng mga taon dito sa ating company. :)

***

Pina-cut ko na ang internet connection ko sa bahay. Not because of poor connection, pero dahil sa hindi ko na nagagamit. Nasa Manila kasi ako most of the time. Dahil sanay na ako na laging connected, I just settle on having a PlugIt kit. So far, okay pa naman. Napagtya-tiyagaan ang minsang may kabagalang connection.:)

***

Kinuwento ko kay Lhz kahapon na mejo naiintimidate ako sa tao na ito kasi feeling ko, ang sungit niya sa akin. Hindi niya ako masyado binabati. I don't feel appreciated. Iyon pa naman yung kinakalungkot ko madalas. Pero kanina, mejo natuwa naman ako nung lumapit siya sa akin. May tinanung siya. At nakipagkwentuhan din siya sandali. I wont say the details na lang. Basta, natuwa talaga ako. :)

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

January 23, 2009 Tsina 0 Comments

Nami-miss ko na ang mga panahon na umuulan at bigla mo itatanong sa akin kung nalulungkot ba ako..

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Kuwentos (plural ng kuwento)

January 10, 2009 Tsina 0 Comments

Pampam lang ang blog title ko. Hahaha.
In-edit ko nga pala ang profile ko sa Friendster account ko. See picture below. Click to enlarge.
Bigla naman ako napaisip. War mode ako? Hahaha. Tatawa lang. Oo, Badtrip ako. Sa isang ubod na sinungaling na tao. I have means. I will know the truth in your lies. Shit! Sabi nga ng status ko sa ym, "the last time I will ever believe in you", at nag-pop ka pang damuho ka, sino pala kaaway ko?? Oh well. Hindi po ako bitter mode. Badtrip lang talaga. Wait and see, I'll fly higher than you can!

On a lighter note, na-receive ko ang huling gift from Kris Kringle this January 5 lang. Post-Christmas gift giving. Hehehe. Thanks Vince for the pillow. Loving Mickey na. Medyo madami-dami din pala akong gifts na na-receive this Christmas, sa Kris Kringle din namin sa Testing, I asked for a book, yung Love in the Time of Cholera. I just remembered Ate Nona saying na maganda daw yun. But unfortunately, wala pa ako time na basahin siya. Details later. :)


Thanks din pala to Jelai, my Team Lead, sa kanyang stationery set na gift. To Kekel and Tita Jaye, sa chocolates. Thanks Zowee sa cellphone pouch (lahat kami may gift, waw!). And to another Jelai in my life, sa aking friend, sa VS. To EA sa Enchanted Kingdom na discount pass, sana maka-EK ako. Hehehe. :)

I love receiving gifts/surprises. Ewan ko ba. Napaka-tipikal ko pagdating sa bagay na yun. I am one of the many who enjoys tearing the wrappers, para may kasunod pa. Hahaha. Niregaluhan ko rin nga pala ang sarili ko nung Christmas. Dahil ako ay certified kuirpot, medyo matagal ko pinag-isipan kung bibilhin ko ba yung bag na nagustuhan ko, at after ten years na pagmumuni-muni, binili ko naman siya. I just convinced myself na iyon na yung regalo ko sa sarili ko. At ang next target na regalo ko sa sarili ko ay isang portable harddrive. Goodluck. Ano kaya magandang okasyon para maibigay ko yun sa sarili ko? Lol.

Siyempre, ang best gift na na-receive ko nung Christmas is that I am already deployed to a project. Finally. Medyo mahal ko na ang Accenture, ilang weeks na lang, certified one of the best people na ako, as according to Bing. And I am still counting. Keeping my fingers crossed. :)

Back to the topic kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa din nababasa ang Love in the Time of Cholera na book, kasi nakalimutan ko siya iuwi sa aming probinsiya nung long vacation. Sayang. At back to work na ako nung Monday. Medyo madugong work na ito. Spending most of my time in the office, buti nakaka-survive pa. Toxic kung toxic. Ang sarap magbabad sa office. Buti na lang mahal ko ang ginagawa ko, kung hindi baka nag-collapse na ako. Sabi ko nga kay Che, despite everything, mahal ko na ang trabaho ko. And I couldn't imagine myself anywhere else in the next two years but just here. Right beside the Tiger. :)

Pinahiram nga pala ako ng book ni Jeng, isa ko pang ka-team, yung When God writes your Love Story. Hindi ko pa siya natatapos. Paputol-putol lang ang basa ko, bago ako matulog. So far, so good naman. At ako na lang yata ang taong hindi pa nakakabasa ng Twilight. OMG. Wala lang siguro akong interes kina Edward at Bella. Ita-try ko basahin kahit yung Twilight lang. Napanood ko naman yung movie. At least, may konting picture na ako. Speaking of libro, kahit certified kuripot ako, binili ko na yung libro ni Ricky Lee, yung Para kay B (O Kung Paano Dinevastate ng .Pag-ibig ang 4 out 5 sa Atin). 250php lang naman yun pero to the highest level na yata ang wala sa lugar na kakuriputan ko. Hahaha. Nagustuhan ko naman siya. Not the typical story, pero may sense. Sabi nga niya, may quota ang pag-ibig. At sa bawat limang umiibig, isa lang ang nagiging maligaya. Nice, db? Napa-smile nga si Lhz nung binaggit ko yun, in fairness, nabasa na rin niya.

Ang daming malungkot sa paligid ko, kaya sabi ko sa sarili ko, bawal ako malungkot. Hindi naman ako malungkot dahil sa isang partikular na bagay, ang tao pala talaga, may mga moments of sadness. Mahirap iwasan. Pero sabi nga ni Kristel, happiness is a choice. And despite all the odds, I chose to be happy. :)

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)