Monday, July 7, 2008

Isang Bukas na Liham..

Sa iyo,
 

Alam kong maraming bagay ang gumugulo sa utak mo ngayon. Mga bagay-bagay na maaaring dahilan kung bakit hindi mo ako matagpuan. Maaaring akala mo na isa lang ito sa mga bagay na nangyayari dahil malungkot ako. Maaari. Ngunit hindi.

Naiisip ko ang mga panahong kapiling kita. Kasama na ang mga sandaling naririnig ko ang bawat paghinga mo. At nararamdaman ko ang bawat pintig ng puso mo. Ngunit, ang lahat ng iyon ay bahagi na lang mga alaala na tinipon ko sa loob ng boteng inaanod-anod sa karagatan.

Sa lahat ng anupaman, alam ko na nandyan ka lang para sa akin. Kung paanong lagi akong nandyan para sa'yo, kahit sa pinakanakaiiritang paraan. Alam ko na kabisado mo rin ang bawat pag-imbay ng hangin kasunod ng mabilis na patak ng ulan. Alam ko. Dahil nasisilip kita sa gitna ng malamlam na liwanag ng buwan.

Wednesday, July 2, 2008

Bum. Rewinds.

Wala ako magawa. Bossa na naman. Salamat sa mga downloaded mp3 na kapiling ko araw-araw. Sa July 6, isang buwan na akong tambay. Sa July6, isang buwan ko nang pinapalipas ang araw ko sa pagte-text, panunuod ng tv, pag-iinternet at pagtsa-chat. At bukas, dalawang linggo ko nang hinihintay ang pinakapa-VIP na tawag, wushu!


Rewind. Rewind. Rewind.

Tapos na ang OJT ko. Yuhoo! Mag-iisang buwan na nga actually. Hehe. Saan ako nag-OJT? Tada. Sa Philippine National Police (PNP). Ayus, db? Hindi ko naisip o hindi naging bahagi ng plano ko ang mag-OJT sa PNP. Ngunit, sa mga di inaasahang pangyayari, 250 hours ako sa Communications Development and Training Division. *wink wink* sa 250 hours. Over-all, ayus naman ang naging experience ko sa OJT
na ito. But what I hate the most during my OJT stint ay ang mga sumusunod: