Friday, May 30, 2008

At Ang Lahat ay Gusto Kong Gawin..

Aaargh! Ang dami-dami ko gusto gawin, pero minsan, may mga bagay yata talaga na sadyang tutol sa mga pangyayari. Eto ang ilan sa mga bagay na gumugulo sa dati ko nang magulong utak:

Malapit ng mag-1year and five months ang N70 ko, ito na yata ang pinakamatagal kong mobile phone. Sa kabila nito, gusto ko nang bumili ng bagong mobile phone pero..

1. Wala pa akong trabaho, ayoko namang gastahin
ang savings ko para lang sa isang bagay na hindi naman ganun ka-importante.

2. Ayokong mawala ang mga saved messages ko. Ala-ala ng unang pagte-txt, ala-ala ng mga maiikling pangaral ng mga kaibigan, ala-ala ng mga kalokohan sa buhay, at mga makabagbag damdaming text messages. Haha!

3. Napamahal na sa akin ang mbile phone ko, kahit pa sabihing tinanggalan ko na ito ng dangal sa hindi paggamit ng crystal case, at nagkaron na ito ng ilang mga gasgas, na-attached na ako sa Nokia ko. 

Sunday, May 11, 2008

Ang Ulan at Ang Mahabang Paghihintay

Dapat yata, hindi ko sinabi. Dapat yata, itinago ko na lang. Dapat yata, hinayaan ko na lang mawala ng kusa.


... ang babae ay itinakda lamang para maghintay. Nilagay ng lipunan sa sitwasyon kung saan ang bawat hakbang ay nakabase sa numerong inihanda ng bawat segundo ng orasan. Ako ay isang babae. ngunit..

Hindi ako si Maria Clara. Ako ay isang babaeng matagal nang lumabas sa kahon, isang taong sanay na nilalagpasan ang linya.

Saturday, May 10, 2008

Yes.

Salamat sa araw na tayong dalawa lang ang nakakaalam.










Sana umulan.