Kung Dudugtungan Ko..

Yuhoo! Graduate na ako! Actually, nung July31 pa. Late na ang aking blog. Akala ko, hindi ako makaka-attend, kaka-start pa lang kasi ng work ko nun. First week. Naisipan ko na subukan na magpaalam, pumayag. Ayus. Leave without pay. Haha. At least, hindi ko na-miss ang araw na iyon.

Hindi ako naka-attend ng rehearsal, sabi ng mga kaklase ko, 8am daw ang grad. Ako naman eh naniwala, ayun, call time lang pala iyon. Baka raw kasi ma-late ako ulit. Haha. Salamat nga pala kay Ai sa pag-aasikaso ng toga ko. Ayun, eh, special mention talaga. :)

Maaga ako dumating. Mukha tuloy akong excited. Hmf. As usual, picture-picture. Nakakatuwa rin pala mag-martsa. Hindi kasi ako into doing it. Feeling ko kasi, tapos na dapat yung time ko dun. Bitter ba? Hindi naman. Natatawa lang ako habang graduation ko. Natutuwa ako sa guest speaker. Sarcastic mode. A very relevant topic to a very important date to most of the graduates. Enough said. 


Tapos na ang nine academic years ko sa Bulacan State University. Counting, high school years, of course. Mabuti naman. Ang dami na ring nangyari. And to the new doctor who caused so much troubles in my life, I'm glad, you were not there.

Unang taon..

Freshie pa. Matigas ang ulo. Bitter. Naaalala ko ung sinabi ni Plip dati nung nagkekwentuhan kami. Natandaan niya agad ako, kasi nga sa BSU Lab High ako galing, malamang tsine-tsek niya kung may brain cells ako. Haha. Si Keyt ang una kong bestfriend, first day pa lang nakapagkwentuhan na kami, naging close. Kasama ko rin siya na mag-apply sa Peys. Kasama ko siya mag-exam hanggang sa maging staff ng school pub. Kasama ko siya sa una kong SONA. At sa ilan pang mga una sa college life ko. Kasama na dun ang pagka-cutting class. Oo, kung kelan ako freshie, saka malakas ang loob ko na mag-cut. Haha.

Oo nga pala, first year din ako nung una ako nainom ng alcoholic drinks. At take note, GIN un. Sunog baga. Haha. Dumayo pa kami kina Cindy sa Pandi para lang sa inuman session na ito.

Isa si Sir Malang sa mga tao na gusto ko pasalamatan. Aba, kung bumagsak ako sa Algebra nun, malamang, hindi ako Computer Engineer. Isa siyang mahusay na guro.

Ikalawang taon..

Kung nung first year, PRO ako ng klase namin, nung second year, na-promote na ako, VP na. Haha. Literary Editor na rin ako ng Peys nito. At nakisawsaw pa ako sa Social Science Circle, VP din. Ito yung taon na lagi akong nawawala sa mga picture-an ng klase, dahil kung saan-saan akong dako napupunta. Ito rin pala ung taon na nakakuha ako ng uno. Kaisa-isa. Salamat Ma'am Miya.

Isa sa mga pinaka-highlight ng taong ito ay ang outdoor namin. Masaya naman. Nagkaroon lang ng pagkakataon na nagkasama-sama ang mga bossy sa group. Ako, si Hazel at c JV. Nag-away pa pala kami nung outdoor, hindi ko tuloy nakuha ang pangalawa kong uno. Haha. But we're grown-ups now, isa na yun sa mga bagay na tinatawanan na lang.

Gusto ko sana i-edit ang buhay ko. Pero ang pampam ko naman. Ito rin yung taon na nabaliw ako, nag-dropped ako ng mga subjects ko dahil gusto ko mag-transfer ng school. Hindi natuloy. Ayun, tuloy. Naghabol ako ng subjects. Ayus naman. May enough brain cells naman ako para maging regular student the following year. And yes, ito yung taon na naging parte siya ng buhay ko.

Ikatlong taon..

Dapat ako na ang President ng Social Science Circle pero dinecline ko dahil wala na ako SocSci subject nun. Instead, sumali ako sa election of officers ng SCoES. Kahit 3rd year pa lang, kakatuntong pa lang sa engg bldg, buti naman at may bumoto sa akin. At eto kasi ang linya ko nun, ".. kung gusto nyo suportahan ang SCoES, iboto niyo ako.." Oh, well, ang essence lang naman nun ay I'm not into a one-man team. Teamwork dapat. At wagi ang speech ko. Haha. Secretary ako ng SCoES during this time. News Editor naman ako ng Peys. Circulation Manager ng The Engineers, at dakilang presidente na ng klase namin. Haha.

Hala, hindi talaga ako proud, pero ito yung taon na nakuha ko ang una kong singko. Waa. Emags. Enough said.

Ikaapat na taon..

Tumatanda na ako. Dahil sa distraction sa buhay, may mga opportunities akong pinalampas. But no regrets, masaya naman ako nung mga time na yun.

Ito yata yung time na pinakamahirap sa parte ko. Buti na lang, nalagpasan ko naman yun, at maraming salamat sa lahat ng sumuporta.

Ang daming nawala..

SCoES.
Peys.
OJT.
At siya.

Ikalimang taon..

Hindi ito kasali sa nine years. Skipping.

Huling taon.

At ako ay nagbalik. Ito na yata ang pinaka-siguradong bagay na ginawa ko. After losing so much on my fourth year, I'm back. Natutuwa ako may Ma'am Raba nun, isa siya sa mga natuwa na bumalik ako ng school para tapusin ang studies ko. At naaasar ako sa ilan. Sa professor ko na nagsabi na nahuli na ako sa mga ka-batch ko. Tama ka naman. Pero ang prinsipyo, hindi ko natutunan mula sa'yo. At sa totoo lang, wala ako natutunan sa'yo.

On a lighter note, graduate na ako!! Yehey!!

Mga espesyal na tao/grupo na naging bahagi ng buhay BSU ko:

Kawaii:  Siguro nga lagi akong wala sa mga pictures, siguro nga mas madalas ako mag-stay sa Peys nun kaysa sumama sa inyo. Siguro nga, matigas ang ulo ko at bossy ako. Pero nagpapasalamat ako sa mga panahon na nakasama ko kayo. Marami ako natutunan.

Amazing: Salamat. Siguro, kulang yung salita na iyon. Salamat sa pagsalo sa akin. Sa lahat ng pagkakataon na hindi ko kayo niyayaya sa mga mob, na-touch ako nung nandun kayo nung unang beses na hindi ako makatayo. Salamat dahil nandun kayo nung pinasara ang Peys, salamat dahil hindi niyo ako iniwan nung nag-break kami, at salamat dahil lagi kayong nandyan para sa akin.

Peys: Salamat. Dito ako unang natutong maging matapang. Dito ako unang nagmahal at nasaktan. Dito ko rin nakilala ang mga pinakamahahalagang kaibigan ko. Siguro nga, dinala ako kung saan-saan ng prinsipyo ko. Pero hindi naman ako nagsisisi. I am a better person.

Coe5b: Natutuwa ako na sa inyo ako naki-section. Akala ko, ma-o-OP ako. Hindi naman. Naging masaya ako sa naging stay ko. Marami ako naging kaibigan. In all honesty, dito yata ako pinaka-naging open. Pakiramdam ko, kaibigan ko na kayo for so many years.

Jabez : Hmm. Sila ang nag-fill ng gaps. Salamat.

Sir Nolasco: Kahit hindi kami close, nagpapasalamat ako kapag nararamdaman ko yung concern niya. Siya yung nagsabi sa akin nung hindi ako nakapag-participate nung 4th yr SCoES election na malamang sa 5th yr, kami ni Mark ang maging contender sa pagiging president. Hindi nangyari. Pero salamat sa tiwala.

Sir clark: Nung mga panahon na ayaw na kami pagsulatin ng mga admins, hindi ako binitawan ng The Engineers. Kahit hindi ako naging EIC, for so many reasons, salamat po sa concern.

Ma'am Mhuggz: Kahit nung 4th yr pa lang ako, alam ko na concern siya sa mga nangyayari sa buhay ko. At sa lahat ng pinagdaanan ko, isa siya sa mga laging nandyan.

Keyt: Salamat sa pagiging kaibigan. Hindi na natin natupad yung mga plano natin dati. ME ka na kasi. Hehe. Basta, I'm just a text away. Salamat sa mga panahon na nandyan ka, at sorry sa mga pagkakataon na nagkulang ako bilang kaibigan mo.

David, Mon at Yeri: Sila ang ilan na nagtitiwala sa kakayahan ko, sila rin ang madalas kong kasama sa paghakbang ko. Sa lahat ng naging laban natin, salamat, mas naging malakas ako dahil alam kong nandyan pa kayo.

Japan: Salamat sa mga panahon na magkasama tayo. Nakakamiss man ang lahat ng bagay, nakakatuwa naman ang mga bagay na natutunan natin.

Jovi: Malaking bahagi rin naman siya ng buhay ko. At sa mga pagkakataon na kailangan ng lumisan, mananatili ang mga bagay na natutunan ko.

Ronald: Kulang siguro yung mga salita para magpasalamat ako sa pagkakaibigan natin, thanks for the sanity. Nasabi ko na yun dati, isa ka sa mga pinakamahalagang kaibigan ko.

EA: Salamat sa friendship. Sa suporta. Pasensya na kung minsan, insensitive ako.

Kath: Kahit madalas tayo magkainisan, nagpapasalamat pa rin ako sa mga pagkakataon na nakakapagkwento ako sayo. Maraming bagay pa tayong pag-aawayan. Haha.

Cat: Mula noon, isa lang naman masasabi ko, I treasure your friendship.

Jelai - Hanggang sa work, magkasama tayo. Hehe. Salamat sa mga panahon na pingke-kwentuhan natin ang mga kung anu-anong bagay. Salamat sa pagkakaibigan.

Bing at Pam: Hindi ko inaasahan na magiging ka-close ko kayo. Salamat sa pagtitiwala ninyo ng buhay ninyo, at salamat din sa pakikinig sa mga kwento ko.

Pau: Salamat. At pasensya na kung may mga nagawa ako na hindi dapat. Natutuwa ako tuwing ngke-kwento ako sayo, kasi alam ko, nakaka-relate ka.

Eric: Salamat sa tiwala. At pati na rin sa pagkakaibigan. Buti na lang, may harry potter.

Mark: Sa mga kwentuhan at tiwala, salamat. Natutuwa ako sa positive thinking mo.

Roy: Salamat din sa mga tulong mo. As in. Super.

Nami at Dhai: Pasensya na sa mga pangungulit. Haha. Pero salamat sa mga taon ng pagkakaibigan.

Chie: Salamat. Pasensya na sa lahat ng pabor na hiningi ko mula sa'yo. Hehe. Basta, sa mga susunod pa na mga kwentuhan.

Liza Velle: Ayun, salamat sa friendship. Natutuwa ako at mas close tayo ngayon.

Cylve, Diane, Roma, Meri, at Alona: Kahit high school pa tayo naging magkakaibigan, natutuwa ako at nandito pa rin tayo. Salamat sa lahat ng suporta during the ups&downs of my college life.

Marami pa akong gustong pasalamatan. Sa susunod naman. Dudugtungan ko pa ang kwento ko.

Huli ko na naisip ang blog entry title ko, pero kung dudugtungan ko pa ang buhay ko..









sana nandun pa din kayo lahat..

8 comments:

  1. napakadarama.. muntik pa ku maiyak.. anyweiz, thank you din.. aku din kala ku nde kita maka2close.. hehe.. ingat lage!.. congratz!

    ReplyDelete
  2. wahaha... naiyak pa ko ngaun ko lng nbasa blog mu.. hehe, andun pla ko.. huhu.. mami2z ko tuloy ang katarayan mung taglay! slamat dn sa lhat sa mga kdramahan nting pngsa2luhan.. slamatz! Engr. Tsina, na ngaun ay tunay ng ganap ng inhinyero, wow! Ms. ASE ng accenture.. painum nman sa pay day! hehe.. yngatz lage tsina! mwaaahhh...

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

 

About Me

My Photo
Hey, little stars, shine your brightest!

Follow by Email