Wednesday, July 2, 2008

Bum. Rewinds.

Wala ako magawa. Bossa na naman. Salamat sa mga downloaded mp3 na kapiling ko araw-araw. Sa July 6, isang buwan na akong tambay. Sa July6, isang buwan ko nang pinapalipas ang araw ko sa pagte-text, panunuod ng tv, pag-iinternet at pagtsa-chat. At bukas, dalawang linggo ko nang hinihintay ang pinakapa-VIP na tawag, wushu!


Rewind. Rewind. Rewind.

Tapos na ang OJT ko. Yuhoo! Mag-iisang buwan na nga actually. Hehe. Saan ako nag-OJT? Tada. Sa Philippine National Police (PNP). Ayus, db? Hindi ko naisip o hindi naging bahagi ng plano ko ang mag-OJT sa PNP. Ngunit, sa mga di inaasahang pangyayari, 250 hours ako sa Communications Development and Training Division. *wink wink* sa 250 hours. Over-all, ayus naman ang naging experience ko sa OJT
na ito. But what I hate the most during my OJT stint ay ang mga sumusunod:


- Kokonti ang FX. Dahil nagkakahulihan na ng kolorum, wala na halos bumibyaheng fx. Ang hirap sumakay.
- MRT. Lagi na lang hanggang kalsada ang kulumpon ng mga tao sa MRT. Nakakaiyak ang makipagsiksikan.
- Pagsusuot ng collared shirt. Hindi naman sa ayoko, pero ayoko nga. Haha. Wala akong masydong collared shirts, eh. Hehe. Yun un, eh.
- Priorities. Dahil sa ilang mga absences ko, na-extend ang OJT ko ng mas mahaba kaysa sa inaasahan.

Pagkatapos ng OJT, graduation requirements naman ang aasikasuhin, dahil ulit sa mga priorities ko sa buhay, wala akong kasabay magpa-evaluate sa registrar. Buti na lang natapos agad ako. Mga ilang oras lang naman yun. Amf. Dahil naman sipag-sipagan ako, wala ulit ako kasabay na nagpa-grad pic. Ayun, hinatak ko ang pinsan ko para samahan ako. Haha. *Salamat*

Rewind. Rewind. Rewind.

Habang nanood ako ng Witch Yoo Hee, tinawagan ako ng *Company A*, at na-excite naman ako kahit hindi ako masyado maka-concentrate dahil kinikilig pa ako kina Yoo Hee at Marlon. Basta alam ko lang, may interview ako sa June 19. At dahil nga na-excite ako, tinext ko ang ilang mga malalapit na kaibigan na may interview nga ako. Si jelai din pala may interview ng araw na iyon sa kaparehong company.

Maaga ako gumising ng araw na iyon dahil mahirap
nga sumakay at ayokong ma-late. At take note, nag-bus ako. Ayoko kasing nagbu-bus, pero ibang kwento na iyon. Hehe. Pagdating ko sa may Cubao. isang mahabang lakaran pa bago ko narating ang opisina ng naturang kumpanya. Pagdating doon, dmeretso na ako sa waiting room, dahil likas na tsikadora, tsinika ko yung isang applicant. At sa ingay ko yata ng araw na iyon, naka-tsika ko rin ang iba pang applicants. Pagkatapos ng interview, medical agad. Aba, ambilis. So, go kami nina Jelai sa Megamall para sa aming medical. Buti naman at hindi kailangan ng pupu. Haha. Yun lang. At pagkatapos noon, naghihitay pa rin ako tawag mula sa *Company A*. Pooh!

Rewind. Rewind. Rewind.

June 11 pa lang, nakatanggap na ako ng email mula sa *Company B*. Dahil mahilig ako magpupunta sa mga forums, nalaman ko na medyo mahirap makapasok sa company na ito. At sa ka-eng-engan ko, hindi ako nag-exam sa scheduled date. Hanggang naisip ko na sayang naman, pinare-schedule ko ang exam. Pumayag. Ngunit sa kasamaang palad, nakaramdam naman ako ng exam jitters. Haha. Parang wedding jitters lang. Anyways, hindi ulit ako nagpunta. At maysakit naman din kasi ako nung araw na yun. Hanggang na-realize ko ulit, since hindi pa naman tumatawag ang *Company A*, try ko na din. At na-reschedule nga ulit ang exam. Sa kabutihang loob ni Lhz, nag-volunteer siya na samahan ako ng araw na iyon. *Salamat*

Pagdating namin sa bldg, hindi na siya sumama sa
office at naglimaliw na lang sa mall. Naiwan akong mag-isa at mukhang tanga lang. Tahimik lang ako at hindi ang pa-bibong applicant. Ang damiiing tao. Parang gusto ko mag-back out at umuwi na lang nung mga oras na iyon. Pero sabi ko sa sarili ko, sayang naman, mage-exam na ako. Pagkatapos ng 65-minute exam na may 50 items, akala ko ay pwede na ako umuwi, hindi pa pala. Mag-stay lang daw kami ng 20minutes, check lang yung paper para malaman kung pasado kami. Hindi naman ako masyado nage-expect na pasado ako, ayus na sa akin na nakapag-exam ako just to get rid the what ifs. But luckily, I passed!

After the exam, pinag-iisipan namin ni Lhz kung sa Divi ba kami pupunta o sa MOA. Gusto kasi naming manood ng Pinoy Idol. Kaya lang, 11am ang call time at 12nn na nandun pa kami sa Makati. Still, nagdecide kami na mag-MOA kahit wala kaming tickets at hindi kami sure na makakanood ng Pinoy Idol. Hehe. Luckily again, may tickets pa. Nakapasok pa kami, hindi pa nagsisimula ang taping. First time ko manood ng ganun. Naappreciate ko naman siya. Naappreciate ko ang boses ng mga finalists.

Rewind. Rewind. Rewind.

Last Sunday, nag-get together ang Amazing Team.
Nagpunta kami kina Jayson. Dahil hindi ako nakakapunta sa mga nakakaraang imbitasyon, siniguro ko na this time, present ako. Andun syempre si Jayson, si Cindy na may dalang two boxes of pizza, si Nami na kasama si Cris, si Leo na umabsent pa kuno, si Cat na galing sa shift, si Randy na galing sa date, si Dhai na late sa usapan, si Lyndon na may hidden agenda, at syempre, ako. Habang nagke-kwentuhan kami, tumawag naman si Othan mula sa Qatar. Sosyal. Hehe. At biglang 'nauhaw' si Cindy, at ang pangako ko sa sarili ko na hindi ako iinum ay hindi natupad. Na-excite kasi akong i-try ang Red Horse float. Ayus naman pala. Ngunit ayon kay  Leo, nakakalasing daw lalo ang sweets. Ang nakakatawa lang nito, puro sweets ang pagkain namin, isang box na donuts na bavarian, bavarian at bavarian ang flavor. *LOL*, 'rolls' na braso de mercedes, at cookies and cream na ice cream. Meron ding Jollibee spagetti at sandamukal na HANY. Bakit nga ba Hany? Itanong natin kay Dhai. Haha. Waw. Salamat sa mga contribution ng mayayaman kong mga kaibigan. Haha. Libre kami syempre ni Randi dahil kami ay mga dukha lang.

Present. Present. Present.


Naghihintay pa rin ako. Kahit hindi nauunawaan ng iba ang paghihintay ko, ayos lang naman. Sanay na ako maghintay. I wont settle for less if I could get what I want. Ganun talaga siguro ang thinking ko sa buhay. Kahit Company A or Company B man ako mapunta, masaya na ako. Naiinip din naman ako, at ako ay sadyang mainiping tao. Pero sabi nga, patience is a virtue.





kahit
wala ako nun. :)

No comments:

Post a Comment

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)