Ang Tuldok sa Bawat Pangungusap

December 20.
Apat na taon na pala. Apat na taon na mula nung una mong sabihin sa lahat na ako ang pinakaimportanteng tao sa buhay mo.

Unti-unti nang binura ng panahon ang lahat ng pangako.

Ako din.

Nalimot ko na ang daan pabalik sa'yo.

Hindi ko na kabisado ang bawat paghinga mo.

Tapos na.

Ikaw sa akin. At ako sa'yo.

***

Para Sa'yo at Para sa Akin..


Sa iyong paglisan,
Hayaan mong tangayin ng hangin ang mga pansamantalang pagsasamang pinagbigyan ng pagkakataon.
Sa mga sandaling tuluyan ka nang tumalikod sa isang pangakong matagal nang inanod sa malawak na kaparangan, hayaan mong habiin ko muna ang mga pangarap na nababanaag sa kumikislap mong mata.

Sa iyong paglisan,
hayaan mo akong magtampisaw sumandali sa huling mga pag-uulayaw ng mga bituin sa gabing tanging mahihinang buntunghininga ang maririnig.

Sa iyong paglisan,
tuluyan mo ng bitiwan ang puso kong naupos sa paulit-ulit na pagtalikod sa mga salitang minsan nang nagbigkis sa mga damdaming lipos ng pagmamahal.

Hahayaan ko nang burahin ng malakas na ulan ang mga natitira mong ala-ala.

***

Totoo nga, hindi ko na kayang pahabain pa ang pangungusap na nabuo, sobra-sobra na ang mga nailagay ko na punctuation marks. Hindi na kayang dalhin ng mga comma, semi-colon, at colon ang ugnayan ng mga salita.

Hindi na.


10 comments:

  1. sapat na ang tuldok
    para tapusin ang lahat
    :)

    maligayang pasko
    :)

    ReplyDelete
  2. nakakalungkot. parang kwento ko din. pero kaibahan. nakamove on kana. matagal na rin ang sa iyo samantalang ang akin ay kailan lang.

    senga pala.

    inadd po kita sa blogroll ko and i hope i-add mo din ako. salamat po ng marami ang meri krismas.

    ReplyDelete
  3. hayy. un lng. it's just so sad.
    when moving on, the worst thing that someone can do is to look back, because after doing that, parang nandun ka na nmn sa estado mo noon.

    ReplyDelete
  4. good for you, you've already moved on...
    wish ko lng magkatuldok n din ung akin, as in ngayon nah!
    but i think this is the night that i will put a period on that aspect of my life.
    (ano b yan, christmas n christmas nagse2nti mode!hahaha)

    nice blog!
    minsan gusto k n din magblog, kya lng puro heart probs or issues lng mailalagay ko...hehe

    ReplyDelete
  5. auhm, ikaw naman ang mgllgay ng tuldok na un, ndi ibang tao. nasa sau un.

    minsan, bgla kn lng drating sa point na un that ur going to realize it's really over. aun.

    hehe. mg-blog kn din. oki lng un. masaya nmn. :)

    ReplyDelete
  6. aww. cheer up. it's xmas.. be hapee! =) have a blessed xmas. ;)

    ReplyDelete
  7. whew. christmas for the broken hearts, haha. just kiddin'

    hafi. :)

    ReplyDelete
  8. napaka-ganda.. tama lang tuldukan ang mga kahapong ayaw nang balikan..

    masasaktan lang

    pero minsan masarap ding masaktan


    http;//heraldo-desperado.co.nr

    ReplyDelete

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

 

About Me

My Photo
Hey, little stars, shine your brightest!

Follow by Email