Ang Smiley sa YM

Paano ko ba sasabihing malungkot ang malungkot kung hindi mo rin naman maiintindihan?

Ngunit bakit nga ba kailangan mo pang maintindihan ang isang bagay na hindi mo naman talaga maiintindihan? Magulo ba?

Our emotions are self-contained. Unintentionally unshared.

Pero bakit gusto ko pa ring maintindihan mo ako?

Bukas. Hahanapin kita at sasabihin ko sa'yo na malungkot ako.

Hindi ko aasahang makikita sa mukha mo na maiintindihan mo ako. Ngunit mas lalo akong malulungkot kung makikita kong hindi mo nga ako naiintindihan.


Alam ko.


Invisible lang ako.

Magugulat ako kung maiisip mo na naka-online pala ako.

Mangingiti sa kulay pulang BUZZ.

Pwede ko nang isipin na naiintindihan mo ang laman ng utak ko.

Pwede ko nang isipin na kilala mo na pala ako.

Pero..

Hindi naman ang Yahoo Messenger ang nagpaintindi sa akin ng salitang malungkot, hindi naman sa pulang BUZZ ko nabasa ang lahat ng natutunan ko. Sandali, wala pala akong smiley sa YM. Na-o-auto disconnect ako. Sa paulit-ulit na pagkaputol ng linya, makadugtong ka pa kaya?

In your solitary moments, everything else will fade.

Pati ikaw..

Pati ako.

Bakit nga ba ako malungkot?

Sandali, itatanong ko sa ulan.

8 comments:

  1. minsan, nagugulat ako sa mga naisusulat ko. hahaha. :)
    *bakit ba under maintenance ngayon ang friendster!?

    ReplyDelete
  2. sheena..

    relate ako sa 'yo.. malungkot din ako..

    and you know what they say.. "misery loves company". and let me tell you.. sobrang miserable ako ngayon.

    bakit ba kasi hinayaan kong bumalik pa siya sa buhay ko eh? Yun yung unang katangahan ko.

    sabi ko kasi alam kong ginigigi lang niya ko eh. alam ko naman babaero yun.. at kahit sabi niya wala siyang girlfriend, sabi lang naman niya yun. i should have known better. pero naniwala ako eh. i believed him. and i made mysslf believe that this time it could be real. yun yung pangalawang katangahan ko - naiwala ako sa kanya at hinayaan kong maniwala ang sarili ko na this time it's gonna be different.

    ilang beses ko ding pinaala sa sarili ko na darating yung araw na mawawala din diya sa buhay ko. katulad ng ilang beses na niyang ginawa noon. araw-araw, sineset ko sa sarili ko na ito yung araw na mawawala siya pero bakit ganun? yung kaisa-isang araw na hinayaan kong isipin na siguro he'll be staying for good this time, yun pa yung araw na nawala siyang bigla. i let my guards down - isa pang katangahan ko.

    i told myself, repeatedly, not to fall in love with him. na kung gini-gigi niya lang ako.. eh di gi-gian lang. pero ngayon eto.. ang pinakamalaking katangahan ko - i fell in love. with him. again.

    four times, he's left me and hurt me before. di na ko nadala, nagpa-lima pa ko! matalino kong tao, honor student, writer, UP graduate, pero bakit pagdating sa kanya ang tanga-tanga ko?

    kaya eto, ang ending, malungkot ako..

    teka, blog pala ni tsina to.. di dapat ako nag-iinarte dito..

    ReplyDelete
  3. oo. blog ko ito. haha. pero okay lang. that's life. rule number one:
    dont let your guards down.

    and dont fall in love with love.

    un lang.

    :)

    ReplyDelete
  4. e2 lng mssb koh...
    love life??? ano un??? harharhar...

    ReplyDelete
  5. nice page.... visit u din ito... pareho kayo nitong writer... http://wackylodeon.i.ph.. at about naman sa friendster.. lagi sila down kasi daming mga pasaway na user ng friendster at isa na me dun.. hehehehe visit u friendster ko.. http://www.friendster.com/malloveras
    tnks...

    ReplyDelete
  6. yeah.... parang di na ako naniniwala sa love, parang kalukuhan lang yun... hahhaha... Happiness is still a choice. maikli lang ang buhay natin para aksayahin sa pagmumukmuk sa nabigung kaluluhan este pag - ibig. heheh... madami pa dyan Abi... (coughx2)...

    ay... mahigit isang taon na pala ang post na to.. buwhahah... sana nahanap na nyo ang happiness na hinahanao nyo... Godbless

    ReplyDelete

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

 

About Me

My Photo
Hey, little stars, shine your brightest!

Follow by Email