Ang Tuldok sa Bawat Pangungusap

December 20, 2007 Tsina 10 Comments

December 20.
Apat na taon na pala. Apat na taon na mula nung una mong sabihin sa lahat na ako ang pinakaimportanteng tao sa buhay mo.

Unti-unti nang binura ng panahon ang lahat ng pangako.

Ako din.

Nalimot ko na ang daan pabalik sa'yo.

Hindi ko na kabisado ang bawat paghinga mo.

Tapos na.

Ikaw sa akin. At ako sa'yo.

***

Para Sa'yo at Para sa Akin..


Sa iyong paglisan,
Hayaan mong tangayin ng hangin ang mga pansamantalang pagsasamang pinagbigyan ng pagkakataon.
Sa mga sandaling tuluyan ka nang tumalikod sa isang pangakong matagal nang inanod sa malawak na kaparangan, hayaan mong habiin ko muna ang mga pangarap na nababanaag sa kumikislap mong mata.

Sa iyong paglisan,
hayaan mo akong magtampisaw sumandali sa huling mga pag-uulayaw ng mga bituin sa gabing tanging mahihinang buntunghininga ang maririnig.

Sa iyong paglisan,
tuluyan mo ng bitiwan ang puso kong naupos sa paulit-ulit na pagtalikod sa mga salitang minsan nang nagbigkis sa mga damdaming lipos ng pagmamahal.

Hahayaan ko nang burahin ng malakas na ulan ang mga natitira mong ala-ala.

***

Totoo nga, hindi ko na kayang pahabain pa ang pangungusap na nabuo, sobra-sobra na ang mga nailagay ko na punctuation marks. Hindi na kayang dalhin ng mga comma, semi-colon, at colon ang ugnayan ng mga salita.

Hindi na.

10 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

November 22, 2007 Tsina 0 Comments

"Itatago ko ang bawat patak ng ulan na naging saksi sa mga panahong kasama kitang nangangarap..

ikaw at ang mga bagay na bumubuo sa kasalukuyan."

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

One More Chance

November 08, 2007 Tsina 8 Comments


Synopsis: (www.pep.ph)

Popoy (John Lloyd Cruz) and Basha (Bea Alonzo) have been together forever.
Their love story started when they met as students in a university. Popoy was taking up Engineering while Basha was a freshman in Architecture. They have been inseparable ever since—they did everything together: eating, studying and/or attending parties. Their families loved them, they shared friends, they eventually worked in the same firm and their life plans revolved around each other.


There is no Popoy without a Basha and vice versa. In short, they are certain that they would get married someday and build a home together—literally and figuratively. Architect Basha will design and plan their dream house while Engineer Popoy will be the one to build it. Everything is perfect.

At least that is what Popoy thinks.

But all the planning and dreaming eventually take a toll on Basha. Tired of trying to carve her own mark in the firm where they are both working, she suddenly tells him that she wants to resign and move to a smaller firm where she can be given a bigger chance to design on her own. Popoy is alarmed by Basha's sudden decision. Basha tells him the problem that has been brewing inside her for the past year, the real reason why she wants to leave their company—she is tired of Popoy and their relationship. She feels that Popoy is all over her and that she hasn't been given the opportunity to decide and plan for herself because Popoy already did everything. Popoy is speechless. Inside, he is devastated. That same night, Basha asks for a breakup. She tells him she needs the space to grow—on her own.

Not knowing how to pick himself up after the love of his life leaves him, Popoy struggles to live his new life alone. Meanwhile, Basha resigns and transfers to a smaller firm where she begins to feel the freedom she's been longing for. Popoy and Basha try to live without each other but the ties that bind them make it harder for both to move on. Their families and friends became constant reminders of the promises and dreams they had during their happier days.

Slowly, Popoy learns to pick up the pieces and discovers a life that he can call his own. But Basha's journey proves to be more difficult, especially when she sees Popoy starting to date other girls. A part of her wants to get him back but a part also knows that she was the one who asked for this.

Opportunity knocks when Popoy's aunt commissions them to build her house together. After feeling awkward around each other, Popoy and Basha eventually warm up. After all, five years of being together is hard to erase. Slowly and unconsciously, they fall into their old routines and find themselves enjoying each other's company once again. Both realize how much they've missed each other yet both also recognize how much they've changed.

But Popoy knows too well that giving in would mean going back to how they were before. And he's way too scared to get in the way of Basha's growth once again, especially now that he has seen that she can do it alone.

Will this be a chance to give love another try?

**

Basha: Ang totoo, hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na sabihin mo sa akin na ako pa rin, ako na lang, ako na lang ulit.


Popoy: She loved me at my worst, you had me at my best, and you chose to break my heart.

8 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Please Try Again Later

November 04, 2007 Tsina 2 Comments

Brick
Six a.m. day after Christmas
I throw some clothes on in the dark
The smell of cold
Car seat is freezing
The world is sleeping
I am numb

Up the stairs to her apartment
She is balled up on the couch
Her mom and dad went down to Charlotte
They're not home to find us out

And we drive
Now that I have found someone
I'm feeling more alone
Than I ever have before

She's a brick and I'm drownin' slowly
Off the coast and I'm headed nowhere
She's a brick and I'm drownin' slowly

They call her name at seven-thirty
I pace around the parking lot
And I walk down to buy her flowers
And sell some gifts that I got

Can't you see
It's not me you're dying for
Now she's feeling more alone
Then she ever has before

She's a brick and I'm drownin' slowly
Off the coast and I'm headed nowhere
She's a brick and I'm drownin' slowly

As weeks went by
It showed that she was not fine
They told me, "Son it's time to tell the truth," and
She broke down and I broke down
Cause I was tired of lying

Driving back to her apartment
For the moment we're alone
Yeah she's alone
And I'm alone
Now I know it

She's a brick and I'm drownin' slowly
Off the coast and I'm headed nowhere

** 
 
Hindi ba sinabi mo noon na paborito mo ang kanta na 'yan? Hindi nga ako masyadong naka-react dahil hindi naman ako pamilyar sa kanta. Brick. Nag-search ako sa letssingit.com,
voila, nakita ko nga. Right after that, pinost ko naman yun sa Friendster blog ko. 

Aba, tipong papansin ba? Pero alam ko naman, alam nating pareho na hindi ka nga nagpe-Friendster. Matagal na kasi kita na-invite at hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako in-accept. 
Based on your Friendster profile, hindi ka yung tipo ng tao na mag-o-online to get in touch. Second year high school ako at ikaw ay graduating high school student - officer ng Filipino Club, PMT and Boys Scout. Woa.

Natatawa ako tuwing naalala ko ang isang beses na pagkakataon na nakasakay kita. Hindi yata ako humihinga nun pero palihim pa rin kitang tinitingnan. I am actually enjoying your discomfort, ang laki mo kasi at sa kamalas-malasan ay nasakay tayo sa maliit na jeep.
 
At dahil nga PMT officer ka, nakikita kita pag ngte-training kayo sa field. Paborito kasi naming tambayan yun. Pinapanood ko kayo na mag-training habang nakasalampak sa damuhan.

Hindi mo naman ako stalker, pero nag-effort talaga ako na 'dumalaw' sa friend ko na member ng girls scouts para lang makita ka. Magkasama kasi ang boys ar girls scouts sa camping. Iniinggit nga ako ng friend ko kasi nahawakan niya ang kamay mo nung inalalayan mo siya. Oh well, at least,nalaman ko na gentleman ka pala.

Pagkatapus nun, nalaman ko na lang na sa UP ka pala nag-college. Tuldok. Wala na akong nabalitaan tungkol sa'yo.

More than a year ago, just after having a broken heart, I got your number from my high school batchmate. She used to be your orgmate in UP. Then, I muster all my courage and text you. I thought you will just ignore my message. But you replied, and that started our friendship.

Naalala mo pa ito:

"A man is the only animal that can remain on friendly terms with the victims he intends to eat before he eats them."
-Butler


Sabi mo, Exupery is a bit positive on the issue kasi sabi mo nga, taming ang tawag ni Exupery dun. 

Natatawa ako pag naaalala ko na hindi ka marunong mag-unli. Medyo masaya din kasi pinag-uubusan mo ako ng load mo. Mula sa umaga bago ka pumasok hanggang sa pag-uwi mo, magkatxt tayo. Ang dami mo ring na-kuwento kahit paano. Nasabi mo na mahilig kang mag-travel, napansin ko nga na linggo-linggo yata eh nasa kung saan sulok ka nga ng Pinas.

Salamat sa tatlong jokes na sa totoo lng eh korni naman talaga but you gave justice by having the best delivery.

Salamat sa pagkunsinti sa paglalambing.

Salamat sa kanta.

Salamat sa mga pagkakataong nandyan ka pag malungkot ako.

Sabi mo dati, pag one day, hindi ako nagtxt, you'll surely wonder why.

Naging busy ako sa pag-aayos ng buhay ko, naging busy ka sa promotion mo. Then I've realized, ang tagal na pala nung huli kang nag-text.

Six months na pala.
Sinubukan kong tawagan ka, pero cannot be reached ka na.

Nasaan ka na ba?

Bakit ba kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo, ikaw pa yung hindi ngpe-Friendster?
 
Sigh.

Hindi ko man lang alam ang email mo.

Namimis na kita.

Wala nang kumukunsinti sa paglalambing ko.

Hindi ko man lang matandaan kung bakit nga ba hindi lumilipad ang elepante..

Wala nang nagsasabi sa akin na masama ang magpaulan.

Wala na ako napagsusumbungan pag may nang-aaway sa akin.

Namimis na kita.

Magparamdam ka naman,

Pero paano?

Aam mo bang tinitingnan ko pa rin ang Friendster mo kahit alam ko namang hindi mo un tsine-check?

Alam mo bang nasa group list pa rin kita para nare-receive mo pa rin ung mga quotes ko?

Alam mo bang tine-txt pa rin kita pag malungkot ako?
I guess, you'll never know.

Yan, nasan ka na ba kasi?

"The subscriber's cannot be reached, please try again later.

2 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Sanay na Akong Tumawid

October 27, 2007 Tsina 1 Comments

Hinawakan mo ang braso ko, katulad ng dati, tuwing nasa gitna tayo ng magulong kalsada. Tuwing nag-uunahan ang mabibilis na sasakyan, hahawakan mo ako ng mahigpit sa braso na parang ayaw mo ako mawala. At sasabihin mo na,Hay naku, ang bata. Tatawa lang ako. tatawa ka din. Parang nasanay na tayo sa ganun. Kusa ko nang ilalapit ang braso ko para hawakan mo ako, para alalayan mo ako. Tuwing hawak mo ako, nararamdaman ko na ipinagkakatiwala ko na rin sa'yo ang buong buhay ko. Pakiramdam ko, hawak mo na rin ang bawat pintig ng puso ko.

Sabi mo minsan, Paano kung wala na ako?. Ang sabi ko naman, Hindi ka naman mawawala, di ba? Ngingiti ka lang. Hihilig naman ako sa balikat mo.

Naaalala ko, ganun din ang sinasabi mo tuwing pumupunta tayo sa mga bagong lugar, sa mga pagkakataong naisip nating mamasyal sa mga lugar na hindi pamilyar sa atin.

Inaya kita sa Recto nun, gusto ko kasing mghanap ng mga second hand books, mura daw kasi dun. Marami pang options. Tinuro mo sa akin yung street na iyon, sabi mo tandaan ko iyon, ibig sabihin nun, malapit na bumaba. Hindi ko man lang tiningnan yung tinuro mo, hindi ko matandaan kung ano yung pangalan ng street. Ang natatandaan ko lang, sabi mo, bastos ang meaning nun sa Kapampangan. Tumawa lang ako. Kinulit-kulit mo pa ako para tandaan ko ang pangalan ng street na yun, nagbibiro pa ako nung sinabi ko na, Ayoko nga. nandyan ka naman, eh. At sinagot mo na naman yun, Paano kung wala na ako? Tumawa lang ako. Naisip ko, Imposible. Hindi ko alam na ang imposible pala ay posible rin kung minsan. Hindi ko inakala na totoo pala ang 'The End' sa mga kuwento.

Nakita kita, hawak mo ang braso niya. Patawid kayo sa kalsada. Nakita kita. Nakita ko siya. Sa gitna ng magulong kalsada. Nakita kita, nakangiti ka. Nakita ko siya, at kung paano ka niya tingnan. At nakita ko rin kung paano mo hawakan ang kamay niya. Hindi ko tuloy napansin ang parating na sasakyan. Buti na lang, nakita agad ako ng driver. Buti na lang. Gusto ko sanang sabihin sa driver na Pasensya na po, wala na kasi siya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na iba na kasi ang kamay na hinahawakan mo.

Pero wala na pala siya, humarurot na pala palayo ang dyip. Katulad mo, wala ka na pala talaga.

Tinawagan mo ako. Ilang taon na rin pala ang nakalipas. Hindi ko na tinanong sa'yo kung nasaan na siya. Hindi ako nagtanong ng kahit ano. Ang sabi mo lang kasi sa akin, may kailangan tayong pag-usapan. Papunta na tayo sa restaurant kung saan naghihintay ang iba nang hawakan mo ang braso ko. Pero hindi na katulad ng dati. Lumayo ako sa'yo ng konti. Nilagyan ko ng distansya ang pagitan natin. Tiningnan mo ako, sinalubong ko ang tingin mo.

Ako ang unang nagbawi ng tingin. Tiningnan ko kung may parating na sasakyan. Nauna akong tumawid. Pero narinig ko pa rin ang sinabi mo, mahal pa kita. Malinaw na umabot sa akin ang mensahe mo sa kabila ng ingay ng mga sasakyan. Ngunit, hindi na kita nilingon. Tuluy-tuloy akong tumawid, habang nararamdaman ko ang mga tingin mo na sinusundan ang bawat hakbang ko.

Gusto kong sabihin sa'yo na alam ko na kung pa'no pumunta ng Recto kahit hindi ko naman natandaan yung street na sinabi mo.

Gusto kong itanong sa'yo kung bakit hindi ka bumalik agad kung mahal mo pa ako.

Gusto kong malaman kung bakit mo binitawan ang kamay ko.

Pero hindi ako nagsalita.

Nauna kong marating ang kabilang kalsada.

Paglapit mo, sinabi kong, sanay na akong tumawid mag-isa. 

Tumalikod ako at naglakad palayo sa'yo.

1 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Blot

October 15, 2007 Tsina 3 Comments

Nagtataka ako kung anong meron sa akin at ayaw mo akong bitiwan.

Hindi ba sinabi mo noon na meron ka ng iba? Ang sabi mo pa nga, mas maganda, sosyal at maaasahan.

Pinaghirapan mo nga siya makuha. Matagal mo na nga binabanggit sa akin na siya ang pangarap mo.

At nung finally, makuha mo na siya, itinabi mo na ako. Naiintindihan naman kita, mas maganda pag bago. Naisip ko naman, bakit itinabi mo pa ako?

Pwede mo naman akong tuluyan ng alisin sa buhay mo.

Pero naalala ko, mahilig kang mamulot sa tabi-tabi. Hindi ko lang matandaan kung pinangarap mo din ako o pinulot mo lang sa isang tabi.


Ang alam ko lang, magkaiba kami sa lahat ng bagay. Pero kahit ganun, kasama mo naman ako palagi sa mga exams mo, sa mga desisyon na kailangan mong gawin. Kasama mo rin ako nang magpasya kang maging manunulat. At hindi ba, nasa tabi mo rin ako nung lisanin mo ang pagsusulat at maisipan mo na maglingkod sa mga estudyante sa ibang paraan? Hanggang magpasya ka na gusto mo nang mangarap na hindi ako kasama ...

Nalungkot ako.

Pero hindi ako nagreklamo, tahimik lang kitang tinitingnan. Pinapanuod ko kayong dalawa. Pinagmamasdan ko kung paano mo siya alagaan. Nakikita ko ang pag-iingat na ginagawa mo sa kanya.

Nanlalabo na ako.

Hindi ko na inaasahan na babalikan mo pa ako, pero kinuha mo ako sa pinaglagyan mo, hinawakan sandali. Pinagmasdan sandali. At isinama mo ako sa'yo sandali.

Oo, sandali lang. Dahil pagkatapos nun ay binalikan mo ulit siya. Inilagay mo naman ako sa isang sulok.

Hindi ko alam kung bakit ako nanatili. Pero alam ko, gusto mo ako makita kung saan mo ako iniwan.

Paulit-ulit. Sa mga sandaling binabalikan mo ako, at isinasama sa buhay mo, nakakalimutan ko ang tampo ko sa'yo. Nakakalimutan ko na kailangan mo lang ako pag wala siya. Hindi ko alintana na pagkatapos ng isang sandali, aalis ka at iiwan mo na naman ako.

At sa paulit-ulit na pangyayari na yun, namanhid na yata ako. Isa na lang ako sa mga nakasanayan mo. Isa na lang ako sa mga bagay na napaka-ordinaryo sa'yo.

Isang linggo, dalawa, tatlo..

Nakalimutan mo akong balikan sa sulok na pinaglagyan mo. Hindi mo man lang naalala na naghihintay pa rin ako sa kabila ng lahat.

At tuwing tinitingnan kita, nakikita ko ang kasiyahan mo habang kasama siya. Hanggang sa sulok na kinalalagyan ko ay nararamdaman ko ang pagmamahal mo sa kanya.

Pinili ko na lang ang tumahimik. At tumalikod sa inyong dalawa.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa inyo. Ang alam ko lang hindi mo na ako kailangan.

Hanggang maramdaman kita na hawak mo na naman ako. Ayoko na. Gusto kong itanong sa'yo kung nasaan na siya. Pero hindi ko ginawa.

Inilapag mo ang papel na kanina mo pa hawak at pinirmahan. May tinta pa pala ako.

Pumirma ka ulit.

Isa.

Dalawa.

Wala na.

Nagba-blot na ako,

sa matagal na pananatili ko sa sulok na iyon.

3 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Ang Smiley sa YM

October 11, 2007 Tsina 8 Comments

Paano ko ba sasabihing malungkot ang malungkot kung hindi mo rin naman maiintindihan?

Ngunit bakit nga ba kailangan mo pang maintindihan ang isang bagay na hindi mo naman talaga maiintindihan? Magulo ba?

Our emotions are self-contained. Unintentionally unshared.

Pero bakit gusto ko pa ring maintindihan mo ako?

Bukas. Hahanapin kita at sasabihin ko sa'yo na malungkot ako.

Hindi ko aasahang makikita sa mukha mo na maiintindihan mo ako. Ngunit mas lalo akong malulungkot kung makikita kong hindi mo nga ako naiintindihan.


Alam ko.


Invisible lang ako.

Magugulat ako kung maiisip mo na naka-online pala ako.

Mangingiti sa kulay pulang BUZZ.

Pwede ko nang isipin na naiintindihan mo ang laman ng utak ko.

Pwede ko nang isipin na kilala mo na pala ako.

Pero..

Hindi naman ang Yahoo Messenger ang nagpaintindi sa akin ng salitang malungkot, hindi naman sa pulang BUZZ ko nabasa ang lahat ng natutunan ko. Sandali, wala pala akong smiley sa YM. Na-o-auto disconnect ako. Sa paulit-ulit na pagkaputol ng linya, makadugtong ka pa kaya?

In your solitary moments, everything else will fade.

Pati ikaw..

Pati ako.

Bakit nga ba ako malungkot?

Sandali, itatanong ko sa ulan.

8 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Ako na Feeling Close at Ang CoE5B

September 22, 2007 Tsina 7 Comments

Waa. Sana mabanggit ko lahat.

This is my encounter with the CoE5B.

Nung tsinismaks ko sa mga CoE Kawaii na sa 5b ako naki-saling pusa, eto ang intial reaction:
Kawaii: Ok yun. Balita ko, magagaling sila.
Ako: Uu. I guess. (Details later? Hehe.--alter ego)

Waa. I can't go into details. Kung hindi ba naman ako isa't-kalahating eng-eng, pinost ko ang link sa Friendster, baka may makibasang prof. Hehe.

Maraming beses na kong na-culture shock. Hehe. But I'm starting to be used to it. At nung first time ko na pinost sa Friendster ang first pix ko with them, sabi ng ilang friends:

Friends: Masaya pala sa inyo.
Ako: *wink*

Eto na. Eto na.
CoE 5b lang talaga option ko, kasi naman andun si Kathreen. Waa.

Si Kath at ang kanyang mga kwento: Hindi pa ako part ng kanilang section, marami nang kwento si Kath. Medyo hindi pa ako interesado nun kasi hindi ko pa naman sila kilala. Basta ang natatandaan ko lang, Bebe niya si Erx at crush niya si Tune. Hehe.

EA: Ang akala ko, si EA ay si Lea. Hindi pala. Nung day na magpa-ID kami, late si Kath (Yey!) so nauna ako dun sa place, at dahil feeling close ako, tsinika ko si EA kahit ndi ko alam na siya pala si EA. Ayun, tabi na kami at tsika-tsika. At eto ang kwento, may dumating na klasmeyt si EA. Pinalipat siya ng pwesto. Waa, iniwan ako ni EA. Nainis naman ako dun sa klasmeyt niya na un. Sino siya? Si Ronald. Hahahaha.

Jelai: Nung una, medyo masungit ang tingin ko kay Jelai. Parang mahirap maging friend. Hehe. Yun pla, siya pala yung pinaka-makakasundo ko lalo na sa kalokohan. Piz. Ang galing-galing na bata. Hindi ko nga alam kung pinagpapala ako ng langit at siya ang lagi kong katabi pag exams. :) At syempre, siya ang napakabait na partner ko sa MicroP. Harhar. Waa. And I need to mention this very important thing, hahaha. Hati kami niyan kay Doc Hayden, Yey! We love you, Hayden! *smiley allowed*

Eric: Natatawa ako pag naaalala ko reply niya sa akin nung first time ko siya nakatxt.
Eric: CoE5B*isang mahabang announcement*
Ako: Eric ba ito?
E: No, It's Erx!

BTW, he is our class president. Ang java master. Natutuwa ko dito sa taong ito. Feeling ko, magka-brainwave kami. Harhar. (Feeling mo matalino ka na rin? - alter ego). Mahal namin pareho ang Harry Potter. At nakuha naming magkwentuhan sa Chikka, Harhar. (Labyu, Kath!) . At syempre, may secret kami nito. Pero secret na lang yun, forever. Hehe.

Ashel: Gusto ko siyang tinatawag na Ashel, cute kasi. Hehe. Pag tsinek nyo ang phone ko, iisipin nyo na sina Ashel at Kath ang may-ari nito. Waa. Puro pictures nila, eh. Hehe. I like her kasi sweet siya. Hehe. At feel at home kami sa house nila. (Di ba, Rodel?-- alter ego). Todo internet. At natuwa ako sa surprise nya na pag-network ng computers niya, kahit super late na namin na-discover. I feel so comfortable with her.

Ays: Mas close kami ngaun, if I may say so. Ang thesismate ko na nakabunot ng number 1. Waa, ayun tuloy, una kami sa thesis. Ka-SWEEPer. Madalas na namin siya kasama sa food trip ni Kath, at pagti-trip nmn ni Z kay Alex. Harhar. Ito ang pinaka-interesting bond namin - ang aming fave subject. *wink* Muntik na naming sabay i-drop un. Hehehe. Pareho kami nito, kaya hindi kami dapat magsabay ng topak at init ng ulo. Hahah!

Madz: Ka-group ko sa Software. Wee. Ang SCoES President. Ang umagaw sa akin sa SCoES. Harhar. Just kidding. :) Matagal ko na siyang nakakasama sa SCoES but we are not really close. I still remember the last SCoES election I participated in, hindi niya ako binoto!!! (Bitter? -alter ego) Pero okay lang. Hindi para sa akin ang SCoES. I appreciate a lot the fact that she wants me to at least get involved with the organization. Aja lang! Kaya yan. Dito lang kami. Give us the best CoE week and night. :)

RC: Isa pang ka-group ko sa Software. Mr. SCoES pala. Take note, faithful kay Bhing. Yey! I remember him singing during our MicroP class, Prinsesa, syempre, para kay Bhing lang yun. Hehe.

Bhing: Fan ako nito. Pag kumanta na siya, amazed na ako, ang ganda ng boses. Astig. Ganda pang bata. Ma-tsika at friendly. I remember one time, nung napansin niya ka-eng eng-an ko, that was the time that I really appreciate her.

MJ: Waa. Fan din niya ako. (Kaw ba, walang fan? Hehe. -alter ego) Brother pala siya ng kasama ko sa paper dati. Nakakatuwa ito. Kakampi ko. Hehe. Another dreamer. Keep on dreaming, tol.

Rio: Nagulat ako nung binigyan niya ako ng testi. Sabi niya, we are sharing the same sentiments. Hehe. Nagulat naman ako. Until, I've learned her story. (Thanks to Bhing. Harhar.) I appreciate her a lot. Siya yung una kong naisip ko itxt nung hindi available ang paborito kong kaibigan. Dahil alam ko, she will understand. (Drama agad. --alter ego) And she did.

Mark: At isa ko pang thesismate. Masipag. Ka-SWEEPer. Matalinong tao. Hehe. Yun nga lng, magaling mang-asar. Waaa. Sana hindi ka na nag-message nung send mo yung na-research mo. Hmf. Mabait ito, hindi nga lang kami nilibre ng Zagu. Hehe. Very determined. Ipagpatuloy.

Roy: Another ka-SWEEPer. Tatahi-tahimik pero ang lakas mang-asar. Sobra. Buti na lang, ka-love team na niya si Mae. Hehe. Magaling ito mag-program. Pero hindi ko akalain na sobrang galing. One thing I can't forget is nung kinulit nila kami na ituloy yung proposal na binack-out-an na namin. Waa. Super meeting pa kami nila ni Mark sa library, after Sir Nolasco consented, ayun, ang ending, back-out pa rin. Hehe.

Lester: Ang direktor sa klase. Waa. Nahihiya naman ako dahil tuwing manlilibre siya, lagi ako kasama. Sa Mcdo nung birthday niya at sa Bitangs para sa Purga video na hindi naman ako kasali. Hehe. Nakasama ko na siya before, sa SCoES Zone. Siya ang nag-inspire sa akin na mag-blog ulit. Hindi niya alam yun. (Ngayon, alam na niya. Hehe. -alter ego)

Tomas: Ang isa ko pang ka-SWEEPer. Yey. Ang hilig mang-girls nito. Sinasama pa kami. As if naman babae hanap ko, hehe. Naalala ko nung marami akong dala, pinadala ko sa kanya yung gamit ko sa MicroP, natuwa naman ako nung dinala niya. Hehe. Kahit lagi niya ako inaasar at tinatanggalan ng dignidad kay toot (As if namang secret pa kung sino yun. --alter ego) friend  ko pa rin iyan. Hehe.

Chris: Ang Swit ni Ashel. Yihee. Pag kailangan ko ng installer, si Chris ay sure thing na meron. Sa kanya galing ang Encarta ko. Hehe. At syempre, ang pinakagusto ko sa kanya ay ang kanyang champorado. Yey! Next time, spaghetti naman. :)

Gracey: Siya yung classmate ko na manager daw ni MJ. Yey. Pretty and tall. When I say tall, tall talaga. Hehe. Bait-bait niya. Seatmate ko siya sa MicroP. Katsikahan minsan.

Rodel: Yung ice cream! Hehe. Natatawag ko itong kuya minsan, nagagaya kasi ako. Feeling ko naman, hehe. Ka-partner siya ni Ays sa MicroP. At nung kinanta ko ang McDo theme sa MicroP (Feeling singer! --alter ego), nakalimutan ko siya sa dedication ko, kasi naman, para sa mga McDo crews yun ng klase namin. Hehe.

Paula: Ang taong laging may announcements. Hehe. At madalas kong ma-replayn sa Chikka. Waa. Nakaka-txt ko ito minsan, tungkol sa aming mga sentiments sa buhay. Hehe. She is one tough girl, let me say so. :)

Tune: Mukhang masungit ito. Hindi kami close. Hehe. Pero bigla akong nag-comment na: Mabait pala si Tune. Kasi, nakita ko siyang tinulungan niya yung isa kong klasmeyt. Yun lng. 

Pards: Ito raw ang kamukha ni Mayo. Auhm let me see.. Harhar. Hindi talaga kami close. Naka-group ko siya sa MicroP at sa Data Comm. Mabait naman pala. Hehe. Ayus ito magsasagot sa prof, astig. Haha. At siya ang gagawa ng project namin. Take note, nag-volunteer cya. Wow.
 
Gat: Unang pasok ko pa lang sa CoE5B, narinig ko na magaling daw si Gat. Wow. Sobrang galing nga pala. Astig sa programming. Hindi lang yun, kamukha siya ni Terrence. Idol! Siya rin ang nag-introduce kay Peter Answers. 

Mandap: Naka-group ko na rin siya sa MicroP. Mabait ito. Medyo mayabang lang ang aura niya, hehe, piz. Hindi raw kumakain ng gulay, pero bibo. Wow. Hindi pala totoo ang kasabihan na para maging bibo, kumain ng gulay. Hehe.

Jon Ray: Eto ang pag-asa ng bayan, ang nagsabi na ang Smart ay may worldwide coverage. (O nationwide lang? Haha. Memory gap.) He can say anything, and gets away with it. Astig.

Norvin: Ang lagi nilang tinutuksong HRM at Nursing. So far, tahimik lang ito. At sabi nila, may lihim daw. Hindi ko pa nga nakikita, eh. Dahil secret nga, naturally, alam ng lahat. Hahaha.

Mhoe: Ahem. First time ko siya naka-txt nung ma-wrong sent ako sa kanya. Hehe. Then, nalaman ko na crush niya pla si Ferdinand. Pero syempre, ang pinaka-crush niya ay yung Patrick ba un? Hehe, piz. Mabait ito. Nakaka-tsikahan ko lalo na pag unli. Naku, one time, todo tsika kami, nung importante na tinanong ko, hindi na nag-reply. Hehe.

Ryan: Tahimik lang ito. Pero mabait. I remember nung lutang ang utak ko, (Lagi naman. -alter ego) sinabi niya ang sagot sa tanung sa akin ni Prof. Buti na lang! Hehe. Gusto ko rin mapunta sa kanila, maganda raw dun.

Jed: The first time na naka-tsikahan ko ito, nakasalampak kami sa 3rd flr ng Engg bldg, at ang topic? dyaran.. si Mark! Hehe. Ang super na mahinhin na si Jed na torn between two lovers. Yihee. Haba ng hair. :)

Kathe: Natutuwa ako sa kanila ni Ivan. Ka-sweet. Yihee. Hindi kami super nagkwe-kwentuhan nito ngayon. Puro kasi txt. Hehe. Hindi ko ito nakilala nung nagpa-relax. Gandang Ricky Reyes. Harhar.

Ivan: Ang ka-love team ni Kathe. Sure thing is, sobrang love niya si Kathe. At pinagsisintas pa niya ng sapatos minsan. Naalala ko tuloy si si si.. (Harhar. -alter ego)

Pam: Medyo masungit ang aura niya. Pero mabait naman pala. Muntik ko na siya maka-seatmate sa MicroP, yun nga lang, we are spaces apart. May ganun talaga, hehe.

Mae: Ang kapitbahay ko. Hehe. Joke lang. Ka-baranggay pala. Ang Ms SCoES. At ex pala ng pinsan ko. Hehe. Maganda ang boses nito. Feeling ko, pang-classical. Ganda rin nung version niya ng 'I can't make you love me.'

Alvin: Naku, pinagtripan ako nito. Nag-who you? sa akin nung tinxt ko. Hehe. At pinagtawanan ko siya nung nakita ko ang Friendster niya kasi nakalagay ang complete address nila. Hehe. Piz.

Julius: Pareho pala kami na galing sa BSU LHS nito. Nagulat pa ako. Pero na-recognize ko yung gf niya. Galing, ang tagal na nila.

Aileen: Inaarbor niya akin ang AI pin ko. Hindi ko nmn maibigay kasi may sentimental value sa akin yun. Hehe. Mabait ito. At labs daw ni Nani. At super kilig siya dun sa isang guy na cute. Karir ba un, Ai? Hehe.

Ofel: Isa pa sa mga madalas mapakanta sa MicroP, late din kasi like me. Hehe. Daming admirers nito. Ma-tsika ring tao, at mabait.

Ronald: Si mcdo. Ang pinaka-masipag mag-forward ng quotes. Si Zaido. Piz. Mabait ito. Sobra, hindi ko nga alam kung san nito kinukuha ang patience niya. Hehe. Ang isang taong nakaka-kwentuhan ko sa mga bagay-bagay. My morale booster. I appreciate the friendship. (no comment. --alter ego)


*may karugtong pa.

7 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

How are you connected?

September 22, 2007 Tsina 0 Comments

* Paumanhin, wala kasi akong internet connection sa house. How poor. Hehe. :)

September 18, 2007

All of a sudden, you're gonna ask yourself, "How come you still love him?" You hear it as if it is something that didn't came out from you, something that alienated you from your being.

No matter how you put it, your life spells out H-I-M.

I checked my Friendster today. Suddenly, Mozilla Firefox terminated. I opened Friendster again, but instead of typing in my account, I typed yours. Yea. I know your password. I still do. I introduced you to Friendster. I even retrieved your Yahoo mail account.

I clicked messages, Sent items, zero. Click. Click. There are your messages, in the Trash. I opened it then read it.

I read the messages in your Inbox.

I opened your mail account. For all the stupid reasons, you replied to a Friendster message. I taught you how to read, remember? I taught you everything you know.

I signed out.

Then went back to my Friendster account.

Sigh.


Bebe. Bespren.

I have been just somebody else for you. The one who is dispensable enough. I thought I am your life. I was.

Pooh.

"We've been through hell together.." Can we still be friends?

You left me broken.









I left you whole.

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

And I do not care about Peter Pan anymore..

September 22, 2007 Tsina 0 Comments

** Isa ito sa mga paborito kong entry sa Friendster blog ko.
Date: December 07, 2006

I make words to make sense for you, in the saddest state that you put me through, I make it just to tell you exactly the meaning it convey. I do not know if you understand it. She said you told her that, "Ang galing pala magsulat ni Tsina". Oh, come on. That is not the first literary work from me that you've read. And oh, well, I don't mind hearing from you the appreciation.

Yeah, the poem I wrote is not the I-love-you-so-much-that-I-cannot-live-without-you-poem but rather I-dont-belong-to-you kind. And so?

It's real, it's true and it's actually happening.

Right now, I am thinking along the line of verifying to myself if Wendy did love Peter Pan and if ever she did, is the feeling still there?

Well, Peter Pan ends with Wendy having a family of her own, a life of her own, a world of her own, yeah, of her own, without Peter Pan, without Tinker Bell and most especially, not in Neverland.

You are my Peter Pan. And I am beginning to think that Peter Pan does not live happily ever after, he never grows old, he will be in Neverland for the rest of this world's existence. Everyone will die even you and me, but Peter Pan will remain there forever.

It is just a poem which I wrote for you. It is just words that I incorporated hoping that I would get the gist of my soul with you in it.

I am leaving Neverland, you taught me to fly and think of a happy thought, thanks for that. And now, I am on my own. And you are back in your world, back to the paradise you've known all your life to which I do not belong.

Just like everything else, memories are just memories, I could have Alzheimer and forget about everything else and it wont mean a thing anymore. It was never real. It is just a one-stop-I-love-you feeling, I am not a shop. You are Forever but you don't believe in the word.
There will be no happy ending.









This is just another fairytale.

* Image grabbed from the internet. TY.

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

Unang Picture with CoE5B

September 22, 2007 Tsina 0 Comments



Ito talaga ang first picture ko with CoE5B. :)

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)

My Handwriting Analysis

February 07, 2007 Tsina 0 Comments

You like to be surrounded by four solid walls. You are a person who thinks before acting, intelligent, and thorough. You are negative, fearful, resistant, doubtful, and/or selfish. You are a talkative person, maybe even a busybody. You are self-confident and like to bring attention to yourself.

0 comments:

Uy, ko-comment siya. Yesss naman, sana nagustuhan mo ang kwento ko. =)