4/15
Namiss kita kanina. Pagdating sa opis, tiningnan ko agad yung status mo sa Communicator. Busy. Pero wala ka naman sa workstation mo. Ayun. Naisip ko na baka work from home ka. Saklap.
Inaasar ako ng mga friend ko. Para daw akong high school. Pag nandyan ka kasi, nag-slow motion ang paligid. Ikaw lang nakikita ko. Pag napa-smile ka, napapa-smile na din ako. Minsan nga, napadaan ako sa workstation mo habang may call ka, galing mo pala mag-English. Alam mo ba na may thing ako sa guys na magaling mag-English? Hehe. Bigla tuloy ako napa-smile.
Pero pag nandyan ka naman, di naman ako makatingin ng deretso, kahit minsan gustung-gusto kita ngitian, pero yung presence mo pa lang, natutunaw na ako. Sarap. Tagal ko na di kinikilig ng ganito. Sayo lang. Sayo na lang ulit.
Naalala mo ba nung nagkasabay tayo mag-breakfast sa pantry? Bigla na lang ako naging busy sa pagpe-prepare ng sandwich ko kasi di ako makatingin sayo. Parang bigla tuloy kailangan ng undivided attention at bonggang skill sa pagprepare ng sandwich. Hihi. Minsan naman, may kausap ka malapit sa workstation ko, bigla na lang ako napangiti.. kasi ang lapit mo lang.
Sa totoo lang, malamang di mo maalala itong mga kwento ko. Di mo naman ako kilala. Alam mo ba, ang tagal bago ko nalaman pangalan mo. Ilang weeks na siguro kita nakikita nun sa pantry, bago ko nalaman. Pero saka ko na sasabihin sayo kung bakit BB ang tawag ko sayo.. Sana mapangiti ka pag sinabi ko. :)
Nung weekend, magkasama tayo sa summer outing. Pero di kita ka-team. Alam mo ba na instead na full support ako sa team namin, ikaw yung tinitingnan ko. Gusto ko nga sana magpa-parazzi shots kaso.. Nung dinner, nakipagkwentuhan ka naman malapit sa table namin. Grabe lang ang kilig ko. Gusto ko sana magpakilala na nun. Pero nanaig ang pagiging dalagang Filipina ko. Naks! :P
Pero alam mo, nagseselos na ako minsan. Ang close nyo nung girl friend mo, sobra. Nakita ko kasi na lagi kayo magkatabi. Napa-tweet nga ako na feeling ko.. may something kayo. Saklap. Ang sakit sa puso, sobra. :(
Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin
Hays, BB!! Buti pa sina Laida at Miggy, happy ending. :))
4/16
Hmmmm. Pagdating ko, napatingin agad ako sa workstation mo. Nandito ka na pala. Napatingin ka sa akin, pero parang di mo ako nakikita. Saklap.
4/17
Kasabay ko mag-lunch yung ka-team ko na guy. Inaasar nila ako. Napatingin ako sayo. Baka sana magselos ka. Ang loser ko lang.
4/18
Parang ayoko na yata. Sabay kayo nag-breakfast, tapos sabay pa kayo umuwi. Selos na selos na ako. Pero ano laban ko, pangalan ko nga, di mo alam. :(
4/19
Sabay na naman kayo umuwi. Nakita ko, niyaya mo siya. Saklap sobra.
Alam mo ba, dalawang buwan na ito. Pero hanggang ngayon, kapag napapatingin ako sayo, di ko makita sa mata mo kahit yung recognition na alam mo na nag-e-exist ako. Huhu. Parang ayoko na yata.
4/20
Parang ayoko na. Pero malamang, sa Lunes .. kikiligin na naman ako sayo. Mapapangiti na naman ako pag nakita kita. Pero may expiration date ang kilig.
** tagal ko na di nagsusulat ng mga ganito, nakalimutan ko tuloy kung gaano ako kababaw na tao. :))
* credits to Kailan song